Mga Dapat Inuming Gamot Para Mabuntis

Pangarap mo na bang magka-baby ngunit sa kabila ng maraming attempts ay hindi pa rin kayo makabuo-buo ng asawa o partner mo? Huwag ka muang mawawalan kaagad ng pag-asa. Baka naman may mga dahilan kung bakit hindi pa kayo nagkakaanak ni misis o mister. Kaugnay nito, dapat na sigurong uminom ng gamot para mabuntis. Bago mo alamin ang mga dapat inumin, dapat mo munang malaman ang mga sanhi ng hindi mo pagbubuntis.

Mga sanhi ng hindi pagbubuntis

Kung hindi mabuntis-buntis si misis, huwag munang mag-panic. Maaaring may mali lang sa lifestyle na dapat baguhin. Ilan sa mga dahilan ng hirap sa pagbubuntis ay ang:

  • Sobrang pagod ng isa sa, o parehong magkapareha
  • Paggamit ng contraceptive
  • Sobra sa exercise o workout
  • Malakas na pag-inom ng alak o mga inuming katulad nito
  • Paninigarilyo ng babae

Kung minsan, hindi naman kainakailangang uminom ng gamot para mabuntis agad. Subukan munang baligtarin ang mga nakagawian na katulad ng mga nabanggit. Ang ibig sabihin, huwag nang gawin ang mga nabanggit kanina. Sa halip, gawin ang mga sumusunod bilang gamot para mabuntis:

  • Magpatingin sa doktor. Ito ang unang-unang dapat gawin kapag, matapos ang mahabang panahon ng pagsubok, ay hindi pa rin kayo nagkaka-baby. Ito ay mahalagang dapat gawin para matukoy ang posibleng problema sa kalusugan pareho ng babae o lalaki.
  • Makipagtalik sa kapareha nang tama sa panahon. Mas malaki ang tsansang makabuo ng baby kung ang pagtatalik ay nasa tamang panahon. Ito ay kung kailan lumamabas ang egg cell ng babae sa kaniyang obaryo.
  • Iwasan ang stress. Sa kahit ano namang karamdaman, kapag hinaluan ng stress, ay maaaring lumala. Kadalasan, kapag stressed ang isa sa, o parehong magkapareha, sila ay nawawanan ng gana sa pakikipag-sex.
  • Sumubok ng ibang posisyon. Ang posisyon habang nagtatalik ay may epekto rin sa tsansang makabuo. Puwede ring makaabot sa loob ng matris ng babae ang similya, at tumulo uli palabas kapag mali ang posisyon habang nagtatalik.
  • Panatilihin ang pagiging malusog ng magkapareha. Kumain ng balanse at masustansyang pagkain. Kasabay nito, mag-exercise nang regular upang mapanatili ang magandang pangangatawan.

Gamot para mabuntis

Kung nasubukan na ang mga natural na pamamaraan, maging ang mga tips na naibigay na tungkol sa mga dapat iwasan at hindi pa rin nagkaka-baby, subukan nang muminom ng gamot para mabuntis kaagad. Hindi naman kinakalilangan talagang gawa sa kemikal ang iinuming gamot para mabuntis. May mga halamang gamot na maaring subukan. Una na rito ang red clover. Ito ay may taglay na calcium at magnesium na nakakatulong para ma-improve ang fertility ng isang tao.

Mabisa rin ang Red Raspberry. Isa ito sa pinaka-epektibo o mabisang halamang gamot para sa pagsasaayos ng fertility. Bukod pa rito, ang natural remedy na ito ay mayaman din sa calcium na siya namang kailangang-kailangan ng isang babaeng nagnanais na mabuntis. Tumutulong ang red raspberry para maging regular ang buwanang regla.

Pangatlo, ang asparagus ay naturingan ding isa sa mga pinaka-epektibong halamang gamot na nakatutulong para maisaayos ang fertility ng isang babae. Ang ugat ng asparagus ay ginagawang tea. Ayon sa mga nakasubok na, kapag amg isang babae ay nakainom nito, siya ay siguradong mabubuntis nang mabilis.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Dapat Inuming Gamot Para Mabuntis
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO