Ilang Araw Bago Malaman na Buntis?

Excited ka na bang malaman kung buntis ka? Nagpaplano siguro kayo ng asawa mo ng isang honeymoon baby. Kung ikaw ay bagong kasal at kung saka-sakali, ay first-time mom, marami ka siguradong tanong. Isa narito ay kung ilang araw bago malaman na buntis ka.

May mga sintomas at senyales ng pagbubuntis. Mahalagang malaman mo ang mga ito. Kung nararanasan mo ang lahat o halos lahat ng mga mababanggit dito, congratulations at malaki ang tsansang buntis ka! Kung gusto mong makasiguro sa iyong kundisyon, dapat alam mo kung kailan ka huling nagkaregla. Dapat alam mo rin kung kalian kayo huling nagtalik ng iyong asawa.

Kailan malalaman ang pagbubuntis?

Hindi pare-pareho ang paraan para malaman kung ikaw ay buntis. May mga babaeng, sa unang araw pa lang ng kanilang missed period, alam na nila na sila ay nagdadalang-tao nga. Nagte-test na sila ng kanilang ihi gamit ang home pregnancy kit at may positibong resulta na kaagad. May ilang mga kababaihan namang naghihintay ng isa hanggang dalawang buwang wala pang regla bago mag-test o kumonsulta sa duktor.

Ikaw ba ay regular na dinadatnan buwan-buwan? Maaaring limang araw hanggang isang linggo lang ang hihintayin mo bago malaman na buntis ka. Kung wala kang problema sa menstrual cycle mo, dalawang linggo pa lang mula noong missed period mo, may mga sintomas ng pagbubuntis ka nang mararamdaman. Maaaring nakakaramdam ka na ng pagkahilo o pagsusuka bago mo pa malaman kung buntis ka.

Sa mga gustong namang makasiguro, isang buwan mula sa huling menstrual period ang nagiging basehan nila ng pagkumpirma ng kanilang pagbubuntis. Ang bilang ng araw bago masigurado ang kundisyon ay naaayon sa menstrual cycle ng isang babae. Kung siya ay regular na nagkakaroon tuwing ika-28 araw, napakalaki ng tsansang siya ay buntis, sa unang araw pa lamang ng pagmintis ng kaniyang regla.

May mga nakapagpatunay nang garantisado ang pagbubuntis kung ikaw ay magte-test gamit ang home pregnancy kit anim na araw bago ang expected menstruation date mo. Ito ay masisiguro mo lang gawin kung talagang regular ang menstrual cycle mo at buwan-buwan ang pagdating ng regla mo.

Ang pagmintis ng regla o delay ng menstruation ay madalas, isa sa mga unang senyales na buntis ang isang tao. Kung nakalampas na ang mga araw o isang linggo sa inaasahan niyang unang araw ng kaniyang regla, maaaring indikasyon na iyon na siya ay buntis. Importanteng kalkulado mo ang pagdating at pagtatapos ng regla mo.

Mas madaling madetermina ang paghihintay kung ilang araw bago malaman na buntis, kung ikaw ay regular na nagkakaroon. Ang mga babaeng may iregularidad sa kanilang menstrual cycle ay sadyang mahihirapang makumpirma kung sila nga ay buntis o delayed lang ang kanilang menstruation. Mahalaga ring malaman ang petsa ng huling pakikipagtalik sa kapareha at kung fertile ka nung ikaw ay huling nakipagtalik.

Gumamit ng accurate pregnancy test kit

Ilang araw bago malaman na buntis, gumamit ng pregnancy test kit na kilala at mapagkakatiwalaan ang brand. Kadalasan, mabibili ang ganitong quality ng kit sa mga sikat at malalaking botika. Ang ganitong mga pregnancy kit ay tried, tested and proven na accurate ang resulta, positive man o negative. Karaniwan nang ginagamit ang pregnancy kit sa mga klinika ng mga OB/GYN. Ito rin ang kaparehong kit na ginagamit ng mga kababaihang nagte-test na bago pa man sila kumonsulta sa duktor.

Ang ibig sabihin nito, ang accuracy na binibigay ng home pregnancy kits pag nag-test sa bahay ay kadalasang kaparehong accuracy rin ng test resulg na nanggagaling sa duktor. Kung ang pregnancy test mo ay naglabas ng positibong resulta, siguradong-sigurado, buntis ka. Hindi mo na kailangan pang maghintay pa ng ilang araw bago malaman na buntis ka.

Mga senyales at sintomas ng pagbubuntis

Hindi sapat ang kalendaryo para masiguro mong buntis ka. Dapad ding pakiramdaman mo ang mga senyales at sintomas na nararanasan sa bawat araw ng isang babaeng naghihinalang siya ay buntis. Habang naghihintay ka ilang araw bago malaman na buntis ka, maaari mo ring pakiramdaman sa sarili mo kung ano ang mga pinagdadaanan ng iba pang buntis na kakilala mo.

Bukod sa positive result ng pregnancy kit at pagtigil ng regla mo, maari ka ring makaramdam ng madalas na pagkahilo at pagsusuka sa mga unang linggo pa lamang ng iyong pagbubuntis. Bibilis din ang pagbigat ng iyong timbang dulot ng paglaki ng halos lahat ng parte ng iyong katawan. Mapapansin mo rin, ang pakiramdam ng malapit nang magkaregla at nagdadalang-tao ay pareho. Makakaranas ka rin ng pagsakit ng puson na para bang rereglahin ka na.

Karamihan sa mga buntis ay nagkakaroon ng sensitibong pang-amoy. Madalas, ayaw nilang nakakaamoy ng ginigisang ulam, pabango at deodorant. Nagiging moody o mainitin din ang ulo ng isang buntis. Mabilis din siyang mapagod kaya naman napapadalas ang kaniyang pagtulog. Dumadalas din ang pag-ihi ng isang buntis dulot ng pagkaipit ng kaniyang pantog dahil mas lumalaki na ang kaniyang matres.

Madalas, nararamdaman ang mga sintomas at senyales ng pagbubuntis bago pa man ito makumpirma sa pamamamagitan ng home pregnancy test o resulta galing sa duktor. Marami na ang nakapagpatunay na mahigit isang linggo pa lang matapos ang kanilang missed period, ramdam na ramdam na nila na sila ay buntis. Nararanasan na nila ang mga sintomas na pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng suso at balakang.

Mga pag-iingat na dapat gawin bago malaman na buntis

Kahit hindi pa sigurado kung buntis ka, mag-ingat para sa ikabubuti ng bata kung saka-sakali. Ilang araw bago malaman na buntis, mainam na alagaan ang sarili. Huwag munang bumyahe nang malayo at sa matagtag na lugar. Huwag magpupuyat at siguraduhing matulog ng hanggang 8 oras. Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Kumain ng masusustansiyang pagkain para mapunta rin sa bata kung buntis ka man, ang anumang sustansiyang pumapasok sa katawan mo. Uminom ng maraming tubig at dalasan ito. Huwag munang maging aktibo sa mga nakakapagod na aktibidad na maaaring maging sanhi ng spotting o bleeding. Upang makasigurong ikaw nga ay buntis, mas mabuting bumisita sa OB/GYN para sa pregnancy test at reseta ng mga epektibong bitamina at gamot. Ito ay upang makasigurong ligtas at malusog ang sanggol sa sinapupunan mo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ilang Araw Bago Malaman na Buntis?
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO