Maagang Pagbubuntis: Mga Mga Dahilan at Posibleng Epekto

Ang usapin sa maagang pagbubuntis ay kalat na kalat na sa iba’t-ibang parte, hindi lang ng ating bansa, maging ng mundo. Sa ngayon, tayo ay nahaharap sa masaklap na katotothanang, sa napaka-murang edad pa lamang, marami na sa mga batang kababaihan ang mayroon nang sariling anak. Ayon sa pag-aaral, dito sa Pilipinas, sa isinagawang 1995 census, may halos 2 milyong kalalakihan at kulang-kulang na 1 milyong kababaihang may edad 15 hanggang 24 ang sexually active o aktibo na sa pakikipagtalik. Sa katunayan, ayon pa rin sa pananaliksik, 7 percent ng mga kabataang sexally active ay hindi gumagamit ng contraceptives o pang-kontrol para hindi kaagad magbuntis ang babae o magkaanak.

Base naman sa report na inilabas ng World Health Organization (WHO), 20 percent ng mga kababaihang Pilipino ay nabubuntis sa edad pa lamang ng 19 anyos o pababa. Kaugnay pa nito, binubuo ng 30 porsiyento ang mga batang ina. Bakit mga ba maagang nabubuntis ang karamihan sa mga kabataan babae ngayon? Napakaraming mga maaaring maging dahilan kung bakit nangyayari ito. Nangunguna na sa mga kadahilanang iyan ang teknolohiya. Marami sa mga kabataan ngayon ang exposed na exposed sa social media ati ba’t-iba pang mga websites na hindi Malaya nilang nabubuksan at nababasa ang kabuuan at lahat ng nilalaman mula sa teksto hanggang sa mga photos at videos. Kadalasan, ang mga content na ito ay nagtataglay ng pornograpiyang nakapaghihikayat sa mga teenagers na maging mapusok at sumubok sa premarital sex.

Mga pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis

Bukod sa teknolohiya, marami pang ibang mga dahilan kung bakit maagang nabubuntis ang mga kabataang babae. Narito ang ilsan sa mga ito:

  • Peer pressure – maaaring ang dalaga ay nagpapadala sa mga kaibigan o sino mang nakapaligid sa kaniya. Kadalasan ang magbabarkadang madalas ay partner-partner kapag lumabas o gumumigimik, ay nagiging mas mapusok lalo na kung nakainom na ng alak o anumang alcoholic drink. Madalas din, ito ay dahil sa kagustuhan ng kani-kanilang mga kapareha o kaya naman, ng magkapareha. Ayon sa isang pag-aaral, 1 sa bawat 3 binata, edad 15-17 years old, ay nakikipag-sex nang dahil sa pressure na dulot ng mga kaibigang kalalakihan. Sila ay pinipilit ng mga kabarakdang makipagtalik sa kasintahan o kabarada ring babae.
  • Pag-inom ng alak o ano mang alcoholic drink – Ika nga ng nakararami, “Pag may alak, may balak.” Kadalasan, dala ng kalasingan, nagiging mas mapusok ang mga kabataan at natutuksong gumawa ng hindi dapat, kagaya ng pakikipagtalik sa mura nilang edad. Kaya naman nagreresulta ito, madals sa maagang pagbubuntis.
  • Kakulangan sa kaalaman tungkol sa pakikipag-sex – Partikular sa ating bansa, ang sex education na dapat na itinuturo sa mga paaralan ay isang napakalaking isyu at diskusyon. Bagamat napakalakas ng panawagang nanggagaling mula sa iba’t-ibang sektor sa Pilipinas para sa usaping ito, mahigpit pa ring tumututol ang simbahang Katoiko, maging ang iba pang mga konserbatibong organisasyon.
  • Internet at social media – Ito ay naituturing ngayon na pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis. Totoo at hindi maikakailang ang internet ay hitik na hitik sa mga pornogrpiyang materyal na napakadaling i-access ng mga kabataan ngayon.
  • Personal na problema – Ang kabataang may problema sa pamilya ay sa mga kabarkada naghahanap ng kalinga at atension. Madalas, ang akala nila sila ay nakahanap na ng karamay kapag kasama ang kanilang mga kaibigan dahil ‘sinasamahan’ sila sa lahat ng oras. Ngunit halos sa lahat ng oras ng pagsasama, may kaharap namang alak o mas malala pa, droga, kapag nagkakasama-sama. Base sa pag-aaral at mga pakikipanayam sa mga awtoridad, dalawa lang o isa sa dalawa ang madalas na kahihinatnan ng pag-iinuman at pagdodrogang dala ng personal na problema. Ito ay ang pakikipag-basag-ulo sa iba pang mga kabataan, o pakikiapag-sex sa kapareha o sino mang makilalang ‘game’ ding makipagtalik.

Mga posibleng epekto ng maagang pagbubuntis

Malaki ang tsansa ng pagkakaroon ng negatibong epekto ang maagang pagbubuntis . Ilan na sa mga ito ang mga sumusunod:

Physical, emotional, psychological at mental na suliranin – ito ang nagiging dulot kadalasan ng pagbubuntis ng maaga o teenage pregnancy sa mga kapamilya at kamag-anak, at maging sa magiging anak. Dahil hindi pa handa ang pangangatawan at lack of knowledge ng mga kabataang ina, napakalaki ng tsansang magkaroon ng premature birth o ano pa mang kumplikasyon sa mental at pisikal na kundisyon ng bata.

Sex-related na sakit – Ang sakit na may kinalaman sa napakarami pang karamdaman sa katawan ang maaaring makuha dulot ng maagang pagbubuntis gaya ng body impairments, chronic at respiratory diseases at higit sa lahat, ang sexually-transmitted disease o mas kilala sa tawag na STD.

Pagkasira ng kinabukasan – Ang teenage pregnancy ay puwedeng maging dahilan ng sapilitan na paghinto sa pag-aaral na puwedeng magresulta ng pagkasira ng isang napakagandang kinabukasan.

Aborsyon – dahil sa tinatawag na untimely pregnancy, nang dahil sa pagbubuntis ng maaga, nakapag-iisip na magpalaglag ang isang kabataang babae, maging ang kaniyang kapareha.

Mga dapat gawin upang maiwasan ang teenage pregnancy

Kung ikaw ay may anak na kabataang babae, mainam na malaman mo kung paano makakaiwas ang iyong anak sa maagang pagbubuntis. Habang maaga, maging alerto na sa mga posibilidad na mangyari ito. Mas mabuti ring maturuan ang mga kabataan sa tamang pakikitungo sa kapwa nila kabataan. Narito ang iba pang mga rekomendadong gawin:

  1. Sapat na kaalaman tungkol sa family planning at contraceptives – kabilang dito ang paggamit ng birth control pills o condom, at iba pang pangkontra sa maagang pagbubuntis. Subalit mas madaling ipaliwanag sa kabataan ang family planning.
  2. Pagtibayin at siguraduhing buo ang relasyon ng isang kabataan sa kaniyang pamilya. Kabilang na rin dito ang lakas ng pananampalataya sa Diyos at pagtutok sa kaniyang pag-aaral.
  3. Ituro, sa kabila ng murang edad, ang seksuwalidad. Ipakilala ang anak o kabataan sa sex education at kung gaano kahalaga na alamain ito.
  4. Mahalagang kilala mo bilang magulang, kung sino-sino ang kasama araw-araw ng iyong mga anak. Subukang kaibiganin ang mga kibigan ng iyong anak para malaman ang kanilang ugal nang sa gayon’s mapayuhan din ng mga dapat at di dapat gawin bilang mga kabataan.
  5. Hangga’t maaari, piliting maging ‘best friend’ ng iyong anak. Hikayating maging open ang iyong anak sa iyo tungkol sa kaniyang mga suliranin at iparamdam sa kaniyang siya ay naiintindihan mo, ano man ang pinagdadaanan niya. Makatutulong ito para hindi makaisip na gumawa ng mga bagay na hindi dapat kung alam niyang siya ay may magulang na maaasahan sa ano mang oras.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Maagang Pagbubuntis: Mga Mga Dahilan at Posibleng Epekto
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO