Pananakit ng Puson: Isa sa Pangunahing Senyales ng Pagbubuntis

Kadalasan, kapag sumasakit ang puson ng isang babae, hudyat na ito na malapit na siyang magkaroon. Madalas din, sa una hanggang ikalawang araw ng kaniyang regla, sumasakit din ang kaniyang puson. Ito ay tinatawag na dysmenorrhea. Pero alam mo bang ang pananakit ng puson ay isa ring senyales ng pagbubuntis?

Ang nararamdaman ng isang malapit nang magkaroon ng regla ay kapareho rin ng nararamdaman ng isang buntis. Ito ay sa mga unang linggo ng kaniyang pagbubuntis. Kalimitan, hindi alam ng isang babae kung ang pananakit ng puson niya ay dahil sa regla o posibling pagbubuntis.Kaya naman importanteng malaman kung paanong naging basehan ito pagdadalantao.

Bagama’t may tsansang buntis ang isang tao kapag masakit ang kaniyang puson, dapat pa ring malaman ang iba’t-ibang mga ang ganitong klase ng pagkakasakit. Maaaring may problema sa panunuaw kaya nakararanas ng pananakit ng puson. Kaugnay nito, hirap dumumi ang isang indibiduwal kays sumasakit ang ibabang bahagi ito ng kaniyang tiyan. O kaya, nagbago siya ng sistema sa pagdumi. Kung minsan, nagkakaroon ng pananakit ng puson dahil sa pagtatae o hirap dumumi.

Mga dahilan ng pananakit ng puson at mga dapat pang malaman tungkol dito

Bakit ang pananakit ng puson ay senyales ng pagbubuntis? Kasunod ng paghilab ng tiyan ang sakit sa puson. Kadalasan, ito ay dulot ng problema o isyu sa panunaw. Ang kahulugan nito ay, ang sakit ay biglang mawawala, ngunit bumalabik naman nang mabilis. Hindi lang paghilab ng tiyan at hirap sa pagtae ang dahilan kung bakit may pananakit ng puson. Ito ay maaari ring nang dahil sa matris, mga obaryo o fallopian tube.

Kung ang pananakit ng puson ay dulot ng diperensiya sa matris, kadalasan ito ay nakapagdudulot ng sakit habang nakikipagtalik. Ang tawag dito ay dyspareunia. Importateng malaman ng doktor ito kung ang isang tao ay nakararanas ng ganitong sakit. Magtatanong ang doktor ng tungkol sa regla at menstrual cycle. Siya ay maghahanap ng mga senyales gayang pagkahilo, pagsusuka at lagnat.

Kung ang isang babae ay nasa hustong gulang at sitwasyon na, ang doktor ay magtatanong din tungkol sa mga bagay na maaaring emosiyonal, personal, pangtrabaho o seksuwal. Maaari kasing ang pananakit ng puson ay sintomas lamang ng regla, pagbubuntis o sakit na puwedeng mas malala pa.

Mas mabuti pang ang pananakit ng puson ay nararamdaman na lamang bilang senyales ng pagbubuntis.

Paano kung sakit na pala ito? Maaring UTI, constipation o hindi natunawan kaya sumasakit ang puson. Kaya naman importanteng pakinggan mo lahat ng sasabihin ng duktor at pag-ingatang mabuti ang iyong anak.

Pananakit ng puson ay senyales ng pagbubuntis?

Maraming mga kababaihan ang sumasakit ang puson nang dahil sila ay buntis. Ito ay nararamdaman at nararanasan nila sa 1st at 3rd trimester ng kanilang pagbubuntis. Tunay ngang senyales ng pagbubuntis ang pananakit ng puson dahil sapagbabago ng anyo, sukat at hugis nito. Habang lumalaki ang puson ng isang babae dahil sa pagbubuntis, mahalang malaman niya ang susuotin upang ito ay hindi maipit.

Kahit pa sabihing normal ang pananakit ng puson kapag buntis, mahalaga ring malaman ng isang nagdadalantao na hindi dapat maging sobrang sakit ang mararamdaman. Maaaring may hindi na magandang kundisyon ang bata sa sinapupunan kapag matindi na ang pananakit. Mas mabuting sabihin kaagad sa doktor kung naumang sakit ang nararamdaman—matindi man ito o hindi.

Habang ang isang babae ay buntis, ang kaniyang katawan ay nagre-release ng mga hormone na ang tawag ay progesterone. Ito ay nakapagpapakalma, nakakapagpalambot, at nag-uugnay sa mga tisyu. Bagama’t nasabing parte ang pananakit ng puson sa senyales ng pagbubuntis, hindi pa rin ito normal.Ito ay kakaibang pakiramdam na maliban na lamang sa tindi ng sakit.

Posibleng masakit ang puson ng isang buntis dahil hindi siya makadumi ng ayos. O kaya naman, may nakain siya na naging dahilan ng pananakit ng kaniyang puson. Sa ganitong pagkakataon, mas mabuti pang ikonsulta na sa doktor ang nararamdaman. May mga resetang puwedeng ibigay na safe gamitin.

Mga dapat gawin sa pananakit ng puson na senyales ng pagbubuntis

Kung ikaw ay buntis at madalas sumakit ang puson mo, huwag basta-basta uminom ng gamot. Dahil sa limitado lamang ang gamot na puwedeng inumin at dahil ikaw ay buntis, may mga natural na paraan kang puwedeng gawin. I-hot compress ang bahagi ng puson na masakit. Tiyak na maiibsan ang sarli.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang luya ay mabisang gamot sa pananakit ng puson. Hindi lamang ito panglunas sa malat o paos na boses. Nirerelaks ng Luya ang mga laman-laman ng katawan lalo na kung stressed o pagod ito. Mainam din ang bungang ito sa humihilab na puson. Hindi ba’t isa ang pagsusuka sa senyales ng pagbubuntis?

Napakabuting gamot din ng luya ganitong kundisyon. At sa ganitong pagkakataon, hot compress pa rin ang maaring solusion para maibsan ang discomfort. Kung hindi pa rin mawala ang sakit, kumonsulta na sa duktor. Maaaring ito ay Urinary Tract Infection (UTI). Dahil buntis, hindi lahat ng gamot ay ligtas inumin para malapatan ng lunas ang UTI.

Pananakit ng puson senyales ng pagbubuntis: Mga Indikasyon

Marami ang nagtatanong kung gaano katagal ang pananakit ng puson? Kung tumatagal na ng ilang linggo o buwan ang pananakit ng puson, dapat nang magpagamot lalo na’t buntis. Puwede rin namang ito ay dahil sa matinding nerbiyos a hindi natunaw na pagkain. Ang taong gutom lalo na’t buntis ay maari pa raing makaranas ngpananakit ng puson.

Isa pa sa mga posibleng rason kung bakit masakit ang balakang at puson ng buntis ay dahil lumalaki na ang tiyan nito at tumatagal na ang kaniyang pagbubuntis. Ito ay normal lamang dahil ang buntis ay natural na nakararanas ng pagbabago lalo na sa pisikal niyang anyo. Habang lumalaki ang sanggol sa sinapupunan, ang mga parte ng katawan, loob at labas, ay lumalaki rin. Ang matris lumalaki rin at umuunat kaya naman apektado rin ang puson.

Habang lumalaki ang matris ng buntis, nadidiinan nito ang mga ugat na siyang nakakaramdam ng sakit sa mga parte ng katawang konektado sa tiyan at puson. Higit sa lahat, ang pinaka-malimit na rason kung bakit may pananakit ng puson bilang senyales ng pagbubuntis ay ang sakit na nararamdaman may balakang. Ito ay tinatawag na posterior pelvic pain. Ang nagdadalantaong nakararamdam ng ganitong sakit may malaking posibilidad ding makaranas ng pananakit ng puson.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Pananakit ng Puson: Isa sa Pangunahing Senyales ng Pagbubuntis
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO