Bakit Masakit ang Puson Kahit Walang Menstruation?

Nagtataka ka ba kung bakit sumasakit ang puson ko kahit wala ka namang regla? Maraming mga kababaihan ang nakakaramdam ng ganito. Sila ay napapaisip kung bakit masakit ang puson kahit walang menstruation. Madalas kasi, sumasakit lang ang puson ng isang babae kapag siya ay magkakaroon na ng kaniyang buwanang dalaw o menstruation. Minsan naman, sumasakit din ang puson habang, o sa unang tatlong araw ng mens. Ito ay mas kilala sa tawag na dysmenorrhea. Eh, paano kung hindi naman pala dysmenorrhea? Siguradong kinakabahan ka kung ganito nga ang mangyari.

Tiyak na interesado kang malaman kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit masakit ang puson kahit walang menstruation. Mahalagang malaman na may iba’t-ibang klase ng sakit ng puson. It ay para malaman mo rin kung pangkaraniwan lamang ba ang pakiramdam na ganito o dapat nang magpagamot at malala na pala ang sakit na nararamdaman. Huwag ka munang mag-panic. Malalaman mo rito kung ano ang posibleng sani ng pananakit ng puson kahit walang regla at ano ang dapat gawin.

Mga klase ng sakit ng puson

Kapag nakaramdam ng sakit ng puson, di ba kadalasan, iniisip nating ordinaryong sakit lamang ito? Alam mo bang may iba’t-iba pala ang klase ng sakit ng puson? Malagang malaman mo ito dahil baka ang inaakala mong simpleng sakit laman ay sisa na palang malalang karamdamang kailangan nan g seryosohang gamutan. Ayon sa mga pag-aaral, marami ang uri ng sakit ng puson. Kaya naman pala minsan masakit ang puson kahit wala namang menstruation. Narito ang iba’t-ibang uri na dapat malaman:

  • Matindi at di-karaniwang sakit habang may menstruation matapos na hindi datnan ng regla – ito ay maaring sanhi ng pagbubuntis sa tubo o ectopic pregnancy.
  • Tuloy-tuloy na pananakit sa panahon ng pareregla – ito ay maaaring dulot ng tinatawag na fibroids.
  • Pamumulikat habang may buwanang dalaw – ordinaryong pagnipis ng matris. Mahalagang malamang ang isang uri ng IUD ay nakapagpapalala ng sakit.
  • Delayed ang buwanang dalaw – posibleng dulot ng miscarriage o nakunan.
  • Pananakit ng puson matapos manganak, makunan o magpalaglag – ito ay sanhi ng impeksyon na nanggagaling sa piraso ng inunang naiwan sa matris; maaari ring sanhi ng mikrobyong nakapasok sa matris sa oras ng panganganak, pagkakunan o pagpapalaglag.

Lima lamang ang mga ito sa napakaraming posibleng sanhi ng pananakit ng puson mayroon mang regla o wala. Alin man sa mga ito ang nararanasan mo, o wala sa mga ito, ang pinakamainam na gawin ay magpatingin sa doktor. Siya lamang ang may alam kung anong klase ng panlunas ang maaari mong subukan.

Bakit masakit ang puson kahit walang menstruation?

Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Eh, bakit nga ba masakit ang puson kahit walang menstruation? May mga paliwanag diyan ang mga eksperto. Kung masakit ang puson kahit walang menstruation, malaki ang posibilidad na ito ay dahil sa dalawang sitomas na tugma sa magkaparehong panahon. Kung minsan nama’y ito ay senyales ng mga mas mabigat na kadahilanan. Isa na rito ang pagkakaugnay ng malaing pagkain o mas alam natin sa tawag na eating disorder. Kadalasan, ang isang babaeng mayroong ganitong maling pamamaraan sa pagkain ay hindi regular ang menstruation o kaya naman ay wala na talaga.

Ang ganitong karamdaman ay nagiging sanhi ng matinding sakit ng puson sa mga araw na dapat ay may regla n asana subalit wala namang lumalabas na dugo. Isa pang dahilan kung bakit masakit ang puson kahit walang menstruation ay ang malalang sakit. Sa ganitong pagkakataon, kailangan nang obserbahan kung ano ang mga kasabay na senyales para matukoy kung ano ang tunay na kalagayan. Suriing mabuti ang mga kadahilanang ito at kong anong mga panlunas ang makakatulong para maibsan ang pakiramdam.

Mga sintomas at senyales

Ang pananakit ng kalamnan sa matris ay sanhi ng pagkakadiin ng sapin ng dingding. Kaugnay nito, ang katawan ang siyang nagbibigay ng mga palatandaan o sintomas bago pa man datnan ng buwanang regla. Para naman sa iba, maaaring ito ay sintomas ng pagbubuntis, pagtitibi, mga bukol, o mas malala pa gaya ng kanser.

May dalawang uri ang bukol sa obaryo. Una, Maaring ito ay tumubo sa obary na nakapagdudulot ng pananakit ng puson kahit walang menstruation. Pangalawa, ay ang kung saan ang itlog ay nahihirapan hanggang sa hindi na makaalis mula sa tinatawag na follicle ng obaryo at habang ito ay lumalaki ang isang tao ay nakakaramdam ng sakit sa puson. Mayroon ding bukol na tumutubo o nabubuo sa isang korteng supot parang lalagyang puno ng tubig o likido pagkatapos makaalis ng itlog. Ang dalawang uri ng bukol na ito, kadalasan ay hindi naman kinakailangang gamutin pa sapagkat sadya naman itong mawaala sa loob lamang ng ilang araw.

Minsan, makararanas ang isang babe ng masakit ang puson kahit walang menstruation, dahil siya pala ay nagdadalantao o buntis na. Karaniwan itong sumasakit kapag nakarating na ang similya sa matris subalit ito ay sinasabayan kung minsan ng kaunting pagtulo nang mamula-mula o brown na likido o discharge. Ganoon din sa panahon ng menopause. Ang isang babae ay nakararanas ng menstruationg hindi na regular. Mangyayari ring hindi dadatnan ng buwanang dalaw nang ilang buwan. Dahil dito, mararamdaman pa rin na masakit ang puson kahit walang menstruation dahil bumababa ang reproductive hormones ng katawan ng isang babaeng nagme-menopause.

Ilan lamang ang mga ito sa senyales o sintomas kapag masakit ang puson kahit walang menstruation. Marami pang ibang puwedeng maging sintomas, maging ng dahilan. Sumangguni lamang sa doktor upang malaman kung ano ang dapat gawin.

Paan maiibsan ang sakit ng puson?

May regla ka man o wala, hindi ba’t napaka-uncomfortable ng pakiramdam ng masakit ang puson? Kaya naman may mga iminumungkahi ang mga eksperto ng mga pamamaraan para maibsan ang ganitong masakit na pakiramdam. Narito ang ilan:

  • Huminga at magpahinga nang tahimik. Lagyan ng mainit ang bote at ilagay ito sa masakit na bahagi ng puson.
  • Maligo ng maligamgam na tubing para ang kalamnan ay ma-relaxed.
  • Maglakad-lakad para ikaw ay ma-relax.
  • Dahan-dahang masahehin ang puson.
  • Uminom ng tsaa o maligamgam na tubig na may lemon.

Kung sa kabila ng pagsunod sa mga nasabing pamamaraan, hindi pa rin bumubuti ang pakiramdam, masinam na kumonsulta na sa doktor lalo na kung masakit ang puson kahit walang menstruation. Kasi, baka naman may iba nang karamdaman kung wala naman dapat dahilan ang pagsakit ng bahaging ito ng katawan. Huwag mag-panic. Pumunto na kaagad kay ‘Dok’ at magpasuri.

KATULAD NA MGA ARTIKULO