Ano Ang Spotting: Mga Dapat Mong Malaman Ukol sa Pagdurugo Kung Buntis

Nakaranas ka na bang mag-spotting? Kung buntis ka, dinaratnan ng buwanang dalaw o minsan ka nang nagbuntis, pamilyar ka na tiyak sa terminong ito. Hindi mo naman kailangang maranan ito para masabing alam na alam mo kung ano ang spotting. Katunayan, okay lang naman din kung wala ka pang alam tungkol dito dahil sa artikulong ito, mas maliliwanagan ka kung ano ba talaga ang spotting, bakit nangyayari ito at paano ito maiiwasan.

Gaya ng nabanggit, sa artikulong ito, mas mauunawaan mo ang salitang spotting sa pamamagitan ng nilalaman gaya ng:

  • Ano ang spotting at dahilan nito
  • Ibat-ibang uri ng spotting
  • Mga normal at hindi normal na cyle ng regla
  • Mag pagsusuri na pwedeng gawin para malaman kung ano ang dahilan ng spotting
  • Mga sitwasyon at kondisyon na puwedeng maging dahilan ng spotting
  • Mga contraceptives na maaaring magdulot ng spotting
  • Spotting sa pagitan ng regla
  • Kaibahan ng spotting sa pagdurugo

Mga katotohanan tungkol sa spotting

Maraming mga babae ang hindi nauunawaan kung ano ang spotting. Isa ka pa nga siguro sa maraming babaeng ito. Kung minsan, nakakainis ang pakiramdam na ito lalo na kung nakaputi ka—pantalon man iyan o shorts, o palda. Kapag nangyayari ito, kailangan mo pa talagang palitan ang iyong underwear nang madalas. Hindi ka rin makagalaw nang maayos kapag nakakaranas ka ng spotting dahil hindi komportable ang iyong pakiramdam.

Para mas maunawaan mo kung ano ang spotting importanteng malaman mo muna kung ano ang ibat-ibang uri ng spotting.

Ano ang spotting sa pagitan ng regla?

Ang karaniwang normal na cycle ng regla ay 28 araw, at ang karaiwang araw ng pagdurugo ay 4-7 araw. May mga babaeng ang kanilang normal na cyle ng regla ay 21 araw. Ang iba naman ay 21-31 araw ang cycle. Kung minsan ang mga kabataang babae ay umabot ang kanilang cycle ng 21-41 na araw. Ang mga babae namang ang edad at 40 pataas, kung minsan, ay nagiging mas kaunti na ang araw ng cycle. Subalit mayroon namang may mahaba. Sa ganitong eded, may mga babaeng hindi na normal ang regla.

Nangyayari ang spotting kung minsan, bago datnan ng regla o pagkatapos nito. Ang kulay pink (hindi matingkad na pula) o kulay brown na patak ng dugo sa underwear o sa toilet paper kapag ipinahid ang tinatawag na spotting.

Ang spotting ay nararanasan sa napakaraming dahilan. Minsan normal na lamang ito. Pero may mga pagkakataon ding ang spotting ay hindi normal. Kapag nakakaranas ka ng spotting, mas makabubuting obserbahan mo kung saan talaga nagmumula ang dugo, kung sa vagina ba talaga ito galing. May mga kondisyon na ang dugo ay nanggagaling sa cervix o sa matres. Kung minsan ang dugo ay nanggagaling sa ihi. Sa ganitong pagkakataon, mas mainam na magpatingin o magpasuri sa doktor. Para malaman kung ano ang spotting at dahilan nito, maaaring ipayo iyong doktor na sumailalim ka sa mga pagsusuri.

Mga pagsusuri na pwedeng gawin

Narito ang ilang pagsusuri na maaaring gawin:

  • General examination (suriin ang buong katawan)
  • Maaaring itanong ang iyong medical history
  • Itanong ang iyong menstrual history
  • Physical history
  • Pap test at blood test
  • Vaginal ultrasound
  • Edemetrial biopsy

Ang mga nabanggit ay ang mga pagsusuri na maaaring gawin upang malaman ang dahilan ng spotting. Pero alam mo ba talaga kung ano ang spotting? Ano nga ba ang pagkakaiba nito sa bleeding (pagdurugo)?

Kaibahan ng spotting sa bleeding o pagdurugo

May pagkakaiba nga ba ang spotting sa pagdurugo? Ang spotting ay ang pagkaranas ng patak ng dugo sa iyong underwear, sa pagitan ng mga araw na bago ka datnan o pagkatapos ng regla. Ang spotting ay hindi mo na kailangang gumamit ng panty liner dahil kaunting patak lamang ito. Samantalang ang pagdurugo naman ay ang mas marami o malakas na agos ng dugo, anupa’t kailangan mong gumamit ng panty liner, pad, o malambot na tela o lumang damit, para hindi ka matagusan.

Ngayong alam mo na ang pagkakaiba, oras na para alamin mo kung ano ang spotting at mga dahilan nito.

Ano ang spotting at mga dahilan nito

Ang spotting ay may iba’t-ibang pinagmumulan. Ilan dito ang mga sumusunod:

Unang pagkakataon na datnan ka ng iyong regla

Ang mga kabataang babaeng bago pa lamang datnan ng regla ay maaaring makaranas ng spotting. Ito ay dahil sa pagbabago ng hormones. Nang dahil dito, kung minsan, ang lining ng matres ay nakakaroon ng shed ng dugo sa maling panahon.

Kapag gumagamit ng contraceptives

Nangyayari ang ganitong sitwasyon dahil sa ang estrogen level ay nagbabago, kaya nagkakaroon ng spotting. Ang ganitong spotting kadalasan na tumatagal ng 1-3 buwan, kapag ang katawan ng babae ay nakapag-adjust na sa estrogen level.

Emergency birth control (morning after pill)

sa itong uri ng birth contol na hindi pa masyadong kilala sa Pilipinas. Si Dra Rowena Revera, isang OB-GYNE sa The Medical City at Instructor sa Ateneo School of medicine ang siyang mas may kaalaman tungkol dito.

Sinasabi na ang pagkakaroon ng spotting dahilan sa paggamit ng morning after pill ay dahilan sa hormones na progestin, at estrogen na may kasamang progestin. Sinasabing ito ay normal lamang at hindi ito side effect.

Spotting dahilan sa implantation

Ang implantation ay ang maagang pagbubuntis kung saan ang fertilized na itlog ay dumikit na sa dingding o wall ng matres kaya nagkakaroon ng spotting. Kung minsan ang ganitong sitwasyon ay may mga kasamang iba pang sintomas gaya ng paghilab. Para makasiguro, mas makabubuting kumonsulta sa iyong doktor para makompirma kung ikaw nga ay buntis.

Ovulation spotting

Ang spotting sa panahon ng ovulation ay normal lamang. Ang karaniwang kulay nito ay hindi matingkad na pula (pink), at ng dahilan ay ang pagdami ng estrogen hormones sa katawan.

Premenopausal (malapit ng mag menopause)

Kapag malapit nang mag-menopause ang babae ay nakakaranas na ito ng spotting kapag malapit nang datnan ng regla. Kung minsan, kulay pink o brown ang spotting. Sa mga ganitong kalagayan ay hindi na rin normal ang regla ng babae. Kung may mga iba pang nararanasang sintomas maliban dito, mas makabubuting kumonsulta sa iyong doktor.

Kapag nakakaranas ng panunuyo ng vagina (vaginal dryness)

Ang karaniwang sanhi ng panunuyo ng vagina ay ang pagbabago ng hormones. Kapag ng tissue ng vagina ay tuyo ay madali itong ma-irita, at maging sanhi ng spotting. Ang mga babae na menopaused na ay maaaring magkaroon ng panunuyo ng vagina, samantalang ang iba naman ay hindi. Sa panahon ng pag-menopause, ang obaryo ay hindi na gaanong nagkakaroon ng estrogen kaya nakararanas ng panunuyo ng vagina.

Spotting kapag stress

Ang stress, masyadong pag-aalala, hindi makatulog nang maayos , pagbaba ng timbang, pagkakasakit, walang ganang kumain at sobrang pag-exercise ay maaaring maging dahilan ng spotting. Dahil ito sa pagdami ng hormones na cortisol.

Kapag nakunan o nalaglag ang sanggol sa sinapupunan, at nanaganak ang babae

Ang spotting ay nangyayari pagkatpos na makunan o manganak ang isang babae. Ito ay dahil ang matres ay hindi pa bumabalik sa dati at mayroon pang mga natirang dugo at tissue sa loob nito na kailangang ilabas.

Ngayon, alam mo nan gang spotting ay maaaring mangyari o maransasan ng kahit na sino. Alam mo na rin kung ano ang mga dahilan nito. Kung may mga nararanasang ibang sintomas maliban sa spotting ay maaaring may mas malalang kondisyon maliban dito. Sa ganitong sitwasyon pinakamainam ang pagkonsulta sa doktor.

KATULAD NA MGA ARTIKULO