Pagbubuntis 

Baog: Gaano Kalawak ang Pagkakaunawa Mo Sa Pagka-Baog?

  • 83
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Minsan ka na bang natukso nang baog dahil hindi ka pa nagkakaanak? O, nanukso ka na ba ng kaibigan na siya ay baog? Gaano kalalim nga ba ang pagkakaintindi mo sa salitang ito? Hindi naman nanganaghulugan na kapag hindi pa nagkakaanak nang ilang taon na ay baog na ang isa sa mag-asawa o magkapareha. Maraming pwedeng maging eksplanasiyon kung bakit hindi kaagad nagkakaanak.

Maraming mga naglalabasang paniniwala at impormasiyon tungkol sa pagiging baog. Sabi ng matatanda, ang pagkain daw ng prutas na papaya ay nakakabaog. May mga nagsasabi namang ang pagpapa-x-ray ay maaari ring makapagpabaog sa isang tao. Ngunit alin nga ba ang totoo rito? O, mayroon nga bang katotohanan sa mga kasabihan at paniniwalang ito?

Kug ikaw man ay naguguluhan sa mga nalalaman mo tungkol dito, makakatulong ang artikulong ito sa iyo. Iisa-isahin natin kung ano nga ba ang sanhi ng pagiging baog. Aalamin din natin kung paano malalaman kung baog ang isang tao—mapa babae man o lalaki.

Mga sanhi ng pagiging baog

Napakaraming dahilan kung bakit nababaog ang isang lalaki o babae. Ilan sa mga ito ay ang problemang pisikal para sa mga lalaki. Ito ay ang pagpigil sa sperm na makapaglabas ng semen. Para sa iba naman, apektado ang production quality mismo ng sperm. Ngunit ang mga ito ay mga eksplanasyong hindi masyadong naiintindihan ng nakararama lalo na ng mga taong walang masyadong alam sa Siyensiya.

Ano nga ba ang posibleng problema kung bakit nababaog ang isang tao? Kung ang isang indibiduwal ay sexually active, maaaring siya ay nahawaan ng sexually transmitted disease. Maaari ring hormonal problem ang sanhi ng pagkabaog ng isang tao. Hindi sa lahat ng oras, ang sobrang pag-e-ehersisyo ay nakakatulong sa kalusugan. Kung nais mong makabuo kayo ng asawa mo, huwag maging eksahirada sa pagwo-workout.Ito ay maaari ring maging sanhi ng pagiging baog.

Paano malalaman kung ang isang babae ay baog?

Magkaiba ang pagtukoy sa pagkabaog ng lalaki at babae. Narito ang ilan sa mga indikasyon kung paano malaman kung baog ang babae:

  • Peklat sa loob ng matris o tubo – Pwedeng pigilan ng peklat sa matris o tubo ang itlog. Maaring pigilan ng peklat ang paglangoy ng semilya patungo sa itlog. Kung nasa matris naman ang peklat, makokontrol nito ang pertilisadong itlog na kumakapit sa matris. Kung minsan, nagkakaroon ng peklat ang isang babae ngunit wala siyang kaalam-alam dito. Ito ay sa kadahilanang, hindi naman siya nakakaramdam ng hindi maganda.
  • Hindi nakararanas ng obulasyon – Sa ganitong indikasyon, ang katawan ay hindi nakakagawa ng sapat at tamang hormone. Ang mabilis na pagbaba o pagtaas ng timbang ay maaari ring senyales na baog ang isang babae. Ito ay pwedeng dahilan na hindi siya kaagad makapaglalabas ng itlog.
  • Mga ‘fibroids’ na tumutubo sa matris – Ito ay maaaring makapagpigil sa fertilization ng isang babae. Dahil dito, tiyak na magiging mahirap para sa isang babae ang magbuntis.
  • Mga seryosong sakit – Kabilang na rito ang Tuberculosis (TB), diabetes at malaria. Ang mga babaeng meron nito ay may malaking tsansa makaranas ng pamiminsala sa kanilang pertilidad.

Ilan lamang ang mga ito sa mga indikasyon kung paano malalamang baog ang babae. Ang iba pang mga senyales ay may kinalaman sa period o buwanang dalaw. Kapag irregular ang menstrual cycle ng isang babae, maaaring siya ay baog. Ang normal cycle ay kada 28 na araw.

Kung matindi ang pananakit ng puson, isa rin itong senyales na ang babae ay baog. Oo nga’t normal ang pananakit ng puson sa babae lalo na kapag siya ay may regla. Pero kung beyond ordinary na ito, mainam na magpatingin na sa doktor. Kung hindi dinadatnan sa walang kadahilanan, posible ring senyales ito ng pagkabaog. Kadalasan, stress ang dahilan ng delay sa regla. Kaya kung walang ganitong nararamdaman at hindi pa rin dinaratnan, maaaring ang isang babae ay baog.

Paano malalaman kung baog ang isang lalaki?

Mas madalas, ang mga kalalakihan ang natutuksong baog. Kadalasan din, sila ang pinagdududahang dahilan ng hindi pagkakaroon ng anak. Narito ang ilan sa mga indikasyo kung paano malalaman kung baog ang isang lalaki:

  • Katulad ng nabanggit na, hindi sapat ang semilyang nabubuo. O di kaya, hindi na kaya ng semilya na lumangoy patungo sa tubo ng babae.
  • Isa pang indikasyon ang pagkakaroon ng beke kasunod ng kaniyang pagbibinata. Ayon sa mga pag-aaral, ang beke ay maaaring makapinsala sa ari ng lalaki. Kapag nagkabeke na, maaaring labasan pa rin ang lalaki ngunit wala nang semilya.
  • Maaaring magkaroon ng discomfort habang nakikipagtalik. Ito ay dahil maaaring hindi tinitigasan ang lalaki. O kaya naman ay, tinitigasan siya ngunit hindi nagtatagal ang pagtigas habang nakikipagtalik.
  • Katulad din ng indikasyon sa pagkabaog ng babae, ang mga sakit tulad ng diabetes, TB at malaria ay maaari ring magdulot ng pagkabaog sa babae.

May lunas o maiiwasan ba ang pagiging baog?

Sabi ng nakararami, kapag baog ang isang tao, hindi na kailanman siya magkakaanak. Hindi naman sa lahat ng oras na nararamdaman ng babae o lalaki ang mga nabanggit na indikasyon, ang ibig sabihin ay baog na siya. Halimbawa, kung sperm count lamang ang kailangang problema at ang iba namang senyales ay hindi nararamdaman, may posibleng luneas dito. Ang mga vitamins na may taglay na zinc at folic acid ay napatunayan nang mainam magpataas ng bilang ng sperm.

Narito ang ilan pang mga dapat gawin upang maiwasan o malunasan ang pagiging baog. Babae man o lalaki, dapat itong tandaan dahil makakatulong ito kung ang magka-pareha o mag-asawa ang makaalam kung paano:

  • Umiwas sa maiinit na lugar o may mataas na temperatura gaya ng sauna at steam beath. Kapag ang ari ng lalaki ay masyadongnaiinit, ito ay humihinto sa paggawa ng semilya.
  • Huwag munang gagamit o iinom ng gamot para mabuntis. Mas mainam na kumonsulta muna sa doktor o health practitioner kung ano ang dapat inumin kapag may sakit.
  • Alamin ang cycle ng asawa o kapareha. Subukang makipagtalik sa kanya habang siya ay fertile. Tandaang ang fertility ng isang babae ang natatanging panahon sa isang buuwan na puwede siyang mabuntis. Sa karaniwang sitwasyon, ang fertile time ng isang babae ay nagsisumula10 paraw matapos ang unang araw ng kaniyang period. Ito ay tumatagal ng 6 na araw.

Malalamang fertile ang isang babae kung may mga pagbabago sa mga lumalabas sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO


  • 83
  •  
  •  
  •  
  •  
  •