Pagbubuntis 

Tama ba ang Ehersisyo Para sa Buntis?

  • 104
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

To exercise, or not to exercise…Ito ang madalas pagtalunan ng marami, o kaya nama’y madalas tanungin ng isang tao sa kaniyang sarili kapag siya ay buntis. Tama nga ba ang ehersisyo para sa buntis? Noong sinaunang panahaon, kapag buntis ang isang babae, halos hindi na siya pakilusin ng kaniyang asawa, magulang, o kapamilya. Naging malakas na paniniwala nan gang isang buntis ay hindi dapat gumalaw dahil baka maging sanhi pa ito ng pagkakunan o pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan. Sa panahon ngayon, ipinapayo pa rin naman ng mga OB Gynecologists ang matinding pag-iingat ng isang baba sa kaniyang pagkilos-kilos lalo na sa unang tatlong buwan ng kaniyang pagbubuntis o mas kilala sa tawag na ‘first trimester.’ Subalit hind nangangahulugant hindi na siya dapat pang mag-ehersisyo. Sa katunayan, mas ine-engganyo na ngayon ang pag-eehersisyo sa mga bunits.

Kainaman ng ehersisyo para sa buntis

May mga espesipikong ehersisyo para sa buntis. Ang mg ito ay hindi naman kinakailangang maging strenuous o nakakapagod dahil ang layunin lamang naman ng pag-eehersisyo ay upang maging malusog pareho ang ina at sanggol nito sa sinapupunan mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak. Habang mga impormasyon tungkl sa kainaman ng ehersisyo para sa buntis at kaniyang sanggol ay lagnap na, marami pa rin sa mga magiging ina ang hindi pa rin nag-exercise. Kugnay nito, isang survery ang ginawa at ibinahagi patungkol sa positibong epekto ng pregnancy exercise para sa development ng fetus sa loob ng tiyan.

Ayon sa mga resultang iminungkahi, ang ehersisyo sa panahon ng pagbubuntis ay hindi naman kinakailangang maging ‘pgnanakaw ng oras’ mula sa dapat na paamamahinga ng isang buntis o iba pang mga aktibidad na dapat niyang gawin. Base rin sa pag-aaral, ang mga nagdadalantao ay mas madaling mkapagluwal ng sanggol kung sila ay nag-eehersisyo. Ang mga pananaliksik na ito ay isinagawa sa mga daan-daang babaeng buntis na nagwo-workout. Karagdagan pa rito, ang pag-e-exercise ay may maraming mga mabubuting naidudulot na physical at psychological benefits sa ina at maging sa ipinagbubuntis nito.

Napag-alamang ng pag-e-aerobics sa loob ng kalahating oras para sa mg kababaihang buntis, tatlong beses kada linggo ay nagkakaroon ng mas malusog at malakas na anak kumpara sa mg naging anak ng mga inang hindi nag-ehersisyo noong sila ay buntis pa lamang. Dalawa sa mga pinakamahusay, epektibo at ligtas na pisikal na ehersisyo para sa buntis ang paglalakad at paglangoy. Ngunit hindi lahat ng klase ng paglangoy ay naaangkop sa mga buntis. May ilng mg di-karaniwang aquanatal o di kaya nama’y mga uri ng exercise na partikular na, na ang layunin ay tumakbo sa mga maraming lugar sa mg kababaihang buntis.

Kung ikaw ay buntis at nais mong mag-ehersisyo ngunit ang klase ng workout na gusto mong gawin ay hindi nakatuon sa iyong pagbubuntis, mainam na ipaalam muna sa iyong instructor o coach ang iyong kundisyon. Ang pagwa-warm-up at cool-down ay nararapat din gawin sa kahit anong klase ng ehersisyo para sa buntis. Kung ikaw ay physically active bago ka pa man magbuntis, mas mabuting pabagalin mo ang intensity ng iyong mga physicl activities. Kung ikaw isa ring isang exercise buff noong ikaw ay hindi pa buntis, hindi ka rin puwedeng mag-exercise sa parehong lebel ng iyong physical activity. Kailangang maghinay-hinay sa mga pagkilos at gawain para sa ikabubuti ng sanggol.

Kung ikaw naman ay hindi aktibo sa mga pisikal na gawain bago ka magbuntis, hindi mo dapat biglang simulan ang isang matinding physical program. Simulan sa15 minuto ng ehersisyo kada araw at gawin ito ng tatlong beses kada Linggo. Kapag nasanay na ang katawan at may clearance ka na mula sa iyong doktor, maaari mo itong dagdagan ng 15 minuto pa upang maging 30 minuto na kada sesyon ang iyong arawng ehersisyo. Ang physicl activities habang nagbubuntis ay ligtas para sa nakararming mga kababaihang buntis. Gayunpaman, may mga buntis na dapa na makipag-usap muna sa kanilang doktor bago pa man gawin ang anumang ehersisyo. Tiyak na may maipapayo ang mga ito na ligtas na puwede nilang gawin habang nagbubuntis.

Sayaw bilang isang ligtas na ehersisyo sa pagbubuntis

Kung nakararanas ng pananakit ng likod, pagkapagod at pagduduwal, maaari munang laktwawan ng isang buntis ang pag-e-ehersisyo. Subalit kung ikaw naman ay malusog sa iyong pagdadalanto, ang regular na pag-e-ehersisyo ay garantisadong nakabubuti. Hindi mo naman kailangang tumakbo ng milya-milya ang distansiya, katunayan, ang isang sayaw ay mainam na ring ehersisyo para sa buntis. Isang magandang halimbawa ng sayaw para sa buntis ang Zumba. Ito ay magandang fitness choice habang ikaw ay nagbubuntis kahit pa unang pagkakataon mo palamang itong susubukan.

Maaaring baguhin ng Zumba instructor ang mga steps sa sayaw upang maayon ang mga ito sa buntis na sumasayaw, katulad mo. Isa sa mga dapat tandaan bilang isang babaeng buntis, na, ang heart rate ay hindi dapat bababa sa 150 minuto ng katamtaman lamang ang intensity ng ehersisyo kada linggo. Rekomendado ng mga doktor ang pagtulong sa sarili sa panahon ng pag-e-ehersisyo at mag-break kung kailangan. Makatutulong din ang pag-e-ehersisyo sa isang setting na mas nakapang-e-engganyo pa sa buntis na tulungan ang sarili katulad ng group fitness class. Ito ay nakatutulong na palakasin pa ang temperatura ng katawan ng isang babaeng buntis.

Katulad ng nabanggit na, ano mang klase ng ehersisyo para s buntis ang gagawin mo, mainam na kumonsulta muna sa iyong doktor. Maging ang pagsayaw ay pinaghahandaan din. Maliban sa iyong OB Gyne, makipag-usap din sa iyong dance instructor at ipaalam na ikaw ay nagdadalantao. Itanong ng mga magiging pagbabago s dance routine para magkaroon ng allowance sa lumalaki mong tiyan, at ang potensiyal mong mabawasan ang level of energy.

Kung sa ngayon ay tinatamasa mo na ang mga dance fitness classes o kaya naman ay ginusto mo ang kakayahang tumugma ng pagsunod sa isang exercise video sa bahay, dapat mong tandaan na kailangan ang approval ng iyong doktor sa ano mang aktibidad na gagawin mo. Dapat ring pakinggan ng iyong katawan, maging ang paggawa ng mga pagbabago sa sayaw habang ginagawa ito. Ang pangunahing layunin ay pakiramdamang maigi ang katawan, kaya laging tatandaan na ang pgdadalantao ay hindi ang panahon ng pag-o-overexert ng sarili. Sa pamamagitan ng pagiging pare-pareho, maaaring masusumpungan mo na ang mga sesyon ng sayaw na sasalihan mo ay mahusay na pamamaraan para matulungan kang maiwasan ang pag-igting, pagpapabuti ng iyong kalooban, at pagpapanatili ng kalakasan ng iyong katawan.

KATULAD NA MGA ARTIKULO


  • 104
  •  
  •  
  •  
  •  
  •