Paano Malalaman Kung Fertile ang Isang Babae?

Ready ka na ba kayong mag-asawa o mag-partner na magka-baby? Kung handang-handa na kayo, siguraduhing fertile si misis sa panahon ng pagtatalik. Maraming mga magkakapareha ang hindi alam kung kailan fertile ang babae kaya madalas, hindi sila makabuo ng baby. Kaya naman sa artikulong ito, matututunan mo kung paano malalaman kung fertile ang isang babae. Alaman ang sagot sa tanong na ito. Narito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa usaping ito:

  • Ibig sabihin ng fertile na babae
  • Kung paano malalaman kung fertile ang isang babae
  • Mga test na puwedeng gawin
  • Natural na paraan para malaman kung ikaw ay fertile
  • Mga test kung ikaw ay fertile at family planning
  • Mga paraan para sa malusog na pagbubuntis

Katotohanan sa pagiging fertile ng babae

Ang paraan kung paano malalaman kung fertile ang isang babae ay makakatulong sa planong pagbubuntis, at makakaiwas naman sa mga hindi gustong mabuntis. Ang pagiging fertile na isang babae ay nakadepende sa kanyang regular na cycle ng regla. Samantalang ang lalaki, palagi at tuloy-tuloy ang pagiging fertile. Kapag ikaw ay hindi naman na-diagnose ng isang medical professional bilang isang infertile, ay maraming paraan kung paano malalaman kung fertile ang isang babae.

Paano malalaman kung fertile ang isang babae?

Mga paraan para gawin ito:

  1. Pag-aralan ang iyong katawan. Kadalasan, ang mga babae ay fertile lamang ng ilang araw sa loob ng kanilang cycle.
    • Sa panahon ng ovulation ang obaryo ang naglalabas ng itlog, at naghihintay ito anumang oras sa sperm upang ma fertilized. Sa panahong ito ay fertile ang isang babae at maaaring mabuntis anumang oras kung siya ay makikipagtalik.
    • Ang sperm ay puwedeng mabuhay hanggang limang araw sa katawan ng babae, kaya kung nakipagtalik ka sa loob ng limang araw bago ang ovulation ay maaari kang mabuntis.
    • Puwede mo ring tingnan ang iyong body temperature tuwing umaga gamit ang sympto-thermal o basal temperature. Sa panahong ito, ang cervix o kuwelyo ng matris ay malambot at bukas. Puwede mo ring maramdaman ang mga sintomas ng ovulation gaya ng sakit sa puson, dibdib, kabag at kaunting spotting.
    • Ang iyong katawan ay naglalabas ng malinaw, malagkit at madulas na mucus kapag ikaw ay fertile, kaya nagiging madulas ito sa panahon ng pakikipagtalik. May mga babaeng gustong-gustong makipagtalik sa panahon ng kanilang ovulation.
  2. Gumamit ng ovulation kit fertility awareness methods, sa ganitong pagkakataon ay inoobserbahan ang cycle ng regla para malaman kung kalian ka fertile.
    • Para makasiguro na tama ang magiging resulta ng methods na ito, kailangan munang obserbahan ng ilang buwan kung normal ang cycle ng iyong regla. Sa paggawa nito ay malalaman mo ang iyong ovulation. Kapag ayaw mong mabuntis, huwag makikipagtalik sa panahong ikaw ay fertile. Subalit kung gusto mo namang magka-baby, this is the best time to do it! Kasi, ang pakikipagtalik habang ikaw ay fertile ay nagbibigay ng malaking tsansa sa iyong mabuntis. Ang ganitong pamamaraan ay sinasabing 99% na siguradong tama.
    • Natural na paaran kung paano malalaman kung fertile ang isang babae, ang kaalamang ito ay puwedeng itanong sa mga hospital, health clinics at mga opisina ng mga gynecologist. Isa din itong paraan ng family planning na hindi magastos. Ito lamang ang uri ng family planning na itinuturo ng isang kilalang relihiyon. Para naman sa mga gustong magkaanak, makatutulong din ang natural na paraang ito para malaman kung fertile ang isang babae. Sa panahon na ito ay puwedeng gawin ang pagtatalik para mabuntis.
    • Ang mga kaalaman tungkol sa fertility ay nakatutulong hindi lamang para magbuntis, maging sa pag-iwas din, para mabuntis. Katulad ng nabanggit, sa panahong ang babae ay fertile, iwasang makipagtalik para hindi mabuntis. Bagama’t maaaring maging ligtas ito bilang family planning method, hindi naman ito ligtas sa sexually transmitted infections, kaya mas makabubuti pa rin ang paggamit ng ibang paraan gaya ng condom.
    • Ang isa pang paraan kung paano malaman kung frtile ang isang babae ay ang paggamit ng commercial calculator test kit. Ito ay nabibili over the counter. Ngunit kung mahal ang presyo nito, puwede namang gumamit ng natural na paraan para hindi na gumastos ng pera.
  3. Kapag nasubukan mo na ang ilang paraan para malaman ang iyong fertility ngunit bigo ka pa rin kahit nagawa mo na ito nang ilang buwan, mas makabubuti kung kokonsulta na sa isang professional.
    • Kapag ginawa mo na ang lahat ng paraan at hindi ka pa rin mabuntis-buntis, maaaring ipayo na ng doktor ang ibang pamamaraan para ikaw ay mabuntis.
    • Maaaring ring ipayo ng doktor na baguhin mo ang ilang nakaugalian mo na gaya ng pagkain, paggamit o exposure sa chemical, mga ginagawa sa buhay, pag-e-ehersisyo, mga iniinom na gamot at ang panahon ng pagtatalik upang malaman ang panahon ng iyong fertility. (Ito ay para sa mga babaeng hirap malaman ang kanilang fertility at hirap ding mabuntis.)
    • Kung alam mo namang tama ang iyong fertility at ginawa mo naman ang mga tamang paraan para mabuntis ngunit hindi hindi ka pa rin nabubuntis, maaaring ipayo ng iyong doktor na baguhin ang ilang nakaugalian na ninyong mag-asawa o mag-partner. Ilan sa mga nakaugalian nang ito ay ang: pananamit at sobrang pagka-expose sa maiinit na lugar. Ang mga ito ay puwedeng makabawas sa fertility ng babaeng kapareha.
  4. Subukan ang mga fertility testing methods na hindi gaanong magastos.
    • Kung minsan ang paggawa ng mga test kung paano malalaman kung fertile ang isang babae ay magastos, at nakaka-stress din. Hangga’t maaari ay mas mabuti ang mga natural na paraan at pag-obserba sa ovulation at cyle ng regla upang alamin ang iyong pagiging fertile.
    • Kapag sumasailalim ng mga test upang malaman kung ikaw ay fertile ay itanong sa iyong health provider kung ito ay kasali sa mga benepisyo ng iyong insurance at health plan. Sa ganitong paraan ay mababawasan ang iyong gastos.

Tips para sa family planning at malusog na pagbubuntis

Ang tamang kaalaman sa kung paano malalaman kung fertile ang isang babae ay mahalaga. Ang ganitong paraan pwedeng magamit sa family planning o makaiwas sa hindi pinaplanong pagbubuntis. Ang mga mag-asawa naman na gusto nang magkaanak ay matutulungan din nito.

Para sa mga mag-asawang gusto nang magkaanak, mas mabuti kung magkakaroon ng malusog na katawan kapwa ang babae at lalaki sa magkapareha. Gawin ang pagpapalusog at pag-iingat bago pa pa ang pagbubuntis. Sa ganitong paraan, magkakaroon healthy pregrnancy at malusog na sanggol si Mommy.

KATULAD NA MGA ARTIKULO