Pagbubuntis 

Mga Dapat na Malaman sa Pulso ng Isang Buntis

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Buntis ka ba? Isa sa mga pinaka-unang inaalam at mino-monitor sa iyo an ang iyong pulso. Napakahalaga ng pagbabantay sa pulso ng isang buntis. Kaya naman dapat alam mo kung ano ang mga dapat mong asahan pagdating sa iyong pulso habang nasa ganito kang kalagayan. Asahan mong mas mataas ang normal mong pulso kapag ikaw ay buntis. Ayon sa mga medical experts, mas bumibilis ang pulso ng isang buntis kumpara sa hindi nagdadalantao dahil kinakailangan nitong magbomba ng mas marami pang dugo sa katawan. Habang mas marami ang napupuntang dugo sa matris, mas nagsusumikap ngayon ang puso na bumomba ng sapat na dugo upang magbigay daan sa iba pang mga parte ng iyong katawan.

Paano ba ang normal na pulso ng isang buntis?

Malalaman ang normal na pulso ng isang buntis depende sa kanyang kundisyon, araw-araw na gawain, at kalusugan ng kaniyang anak. Gayon din, ang ordinary o normal na bilis ng pulso ng isang babaeng nakatatanda ay 75 na pintig tuwing minuto. Ang mga kababaihang may ganoong bilis ng pulso ay puwedeng magkaroon ng bilis na 80 pintig kada minuto kapag siya ay buntis na. Dahil ang isang buntis ay may target heart rate, mahalaga ang pagwo-workout sa isang nagdadalangtao. Mapapanatiling malusog ang katawan, magin ang kutis, kung ikaw ay mag-e-ehersisyo ng regular.

Makakamit ang normal na pulso ng isang buntis kung gagawing regular ang pag-e-exercise. Hindi naman kinakailangang hardcore ang workout mo bilang buntis. Narito ang ilan sa benepisyo ng ehersisyong pang-nagdadalantao:

  • Naipapahinga ang sakit sa likod at iba pang mga karamdaman
  • Tutulungang makatulog ng maayos
  • Nakakadagdag ng energy level
  • Makakaiwas sa sobrang timbang na dulot ng pagbubuntis
  • Bubuti ang pisikal na anyo
  • Mas madali ang panganganak, maging ang recovery

Kung hindi ka man regular na nagwo-workout bago ka pa man magbuntis, napakagandang ideya ang pagkonsulta sa isang healthcare provider o iyong OB Gyn tungkol sa iyong regular na pag-e-ehersisyo. An mga babaeng malulusog ay kadalasang inirerekomenda para makakuha ng 150 minutes ng katamdtamang ehersisyo tolad ng paglalakad, banayad na pagtakbo o paglangoy kada linggo.

May limitasyon para masiguro ang kaligtasan

Bagama’t mahalaga ang pag-e-ehersisyo nagdadalantao, may limitasyon din ang paggalaw upang masigurong normal ang pulso ng isang buntis. Noong unang panahon, ang mga kababaihan ay binabalaan laban sa sobrang pag-e-exercise habang sila ay buntis. Ngayon, hindi na ito applicable. Maraming mga babaee na ang puwedeng ipagpatuloy ang kanilang pre-pregnancy workout ang regular nang hindi nag-aalala. Mahalaga lamang na regular na makipag-usap sa doktor bago pa man simulant ang workout habang nagdadalantao. Narito ang ilan sa mga sintomas o kundisyon na puwedeng maging sanhi ng hindi pag-e-ehersisyo habang buntis:

  • Pagkakaroon ng sakit sa baga o puso
  • High blood pressure
  • Pagdurugo ng ari o vaginal bleeding
  • Cervical issues o problemang servikal
  • High risk ng pre-term kapanganakan

Maraming mga babae ang puwedeng mag-exercise tulad ng dati habang sila ay buntis. Maaari ring kailanganing baguhin ang lifestyle o everyday activity kung madalas ay lumalahok ka sa mga events gaya ng sports events, o di kaya naman, ay madalas sumasali ka sa mga gawaing puwedeng magkaroon ng matinding pinsala dahil ikaw ay mas madaling dapuan ng sakit dahil sa iyong pagdadalantao.

Mga kaakibat ng pagbabantay sa pulso habang buntis

Hindi lamang ang pulso ng isang buntis ang dapat bantayan habang siya ay naghihintay makapanganak. Kung ikaw ay buntis o minsang nagbuntis, alam mo ito. Maging ang mga lalaking may kaparehang nagbuntis na, ay dapat malamang maging ang bawat stage ng kaniyang panganganak ay mabantayan.
Sa una hanggang dalawang linggo ay nagkikita na ang sperm at itlog. Sa stage na ito, ang katawan ng babae ay nagkakaroon ng paghahanda para sa kaniyang pagbubuntis. Puwede pang magkaroon ng regular na dalaw on menstruation ngunit hudyat lang din ito ng conception o pagbuo ng sanggol. Sa panahong ito, importanteng malaman ng babae na hindi muna dapat gumawa ng maaaring makasama sa bata at makaapekto sa kanyang pulso. Ilan sa mga bagay na dapat gawin, inumin, at maging iwasan ay ang mga sumusunod:

  • Pag-inom ng kape o anumang inuming nagtataglay ng caffeine
  • Pag-inom ng alak o katulad nito
  • Paninigarilyo
  • Pagpupuyat
  • Pagbubuhat ng mabigat
  • At pag-e-ehersisyo ng todo
  • Pag-inom ng prescription drugs

Ang lahat ng ito ay maaaring makaapekto sa pulso ng isang buntis.

Mga pagkaing dapat iwasan

Ang pagkain ay konektado rin sa pulso ng isang buntis. Kapag sobra sa timbang dahil sa sobrang kinaain, maaaring makaapekto ito sa bilis ng pintig ng puso na nakakaapekto rin sa puso sa iba pang bahagi ng katawan. Mahaba-haba ang listahan kung susundin ang lahat ng hindi puwedeng kainin kung ikaw ay buntis. Umiwas sa mga pagkaing hilaw gaya ng seafoods, shellfish at karne. Maging ang oysters, sushi, clams at tahong ay bawal din. Kung paborito mo ang stake o di kaya ang beef na hindi masyadong luto or luto at medium-rare o rare, kalimutan mo muna ang mga ito. Maaaring magtaglay ng salmonella ang ganitong klase ng mga pagkain na puwedeng makapagpahamak sa baby mo sa sinapupunan.

Hindi rin lahat ng isda ay puwede sa iyo. Mataas ang mercury level ng ilang klase ng isda gaya ng swordfish at king mackerel. Maliit lamang ang mercury level ng tuna o anumang de lata ngunit mainam ding huwag munang kumain nito dahil ito ay may taglay namang artificial flavors. Limitahan na lamang ang pagkonsumo ng ganitong isda at lamang-dagad sa hanggang 12oz lamang kada linggo. Narito ang ilan pa sa mga dapat mong iwasan bagama’t masarap:

  • Itlog na hilaw na puwedeng mayroon ding salmonella
  • Pagkaing may hilaw na itlog kagaya ng homemade salad dressings, mayonnaise, custards at iba pa
  • Mga iba’t-ibang klase ng soft cheeses na imported
  • Unpasteurized dairy na maaari ring may listeria

Ang kailangan mo bilang isang buntis ay mga pagkaing nagtataglay ng healthy fats, lean protein, at napakaraming fresh fruits and veggies. Mahalaga rin ang pag-inom ng maraming tubig para hindi ka tibihin. Iwasan ang pagkain sa mga fastfood, at pagkain din ng junkfoods. Ito ay may mga taglay na sangkap na nakakasama sa iyong kalusugan, maging ng iyong baby. Ang junkfoods ay nakakawala rin ng gana kaya hindi mo na makakain ang dapat mong kainin na mas masustansiya na kailangan mo at ng iyong sanggol.

KATULAD NA MGA ARTIKULO


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •