Anu-ano Ang Mga Senyales ng Buntis?

Ang pagdadalantao ng isang babae ay isang pangyayari na maaring hindi niya makalimutan. Isa ito sa maaring pinakamahalang pangyayari sa kanyang buhay. Isang kamangha-manghang karanasan na mayroong isang buhay na nilalang na nabubuo at lumaki sa kanyang sinapupunan. Higit sa lahat ito’y dugo ng kaniyang dugo at laman ng kanyang laman. Kaya naman mahal na mahal ng isang ina ang kanyang anak. Inaalagan at minamahal niya ito kahit nasa loob pa lamang ito ng kaniyang matris. Maraming mga babae na sabik na sabik na mabuntis at gusting-gusto nilang malaman ang senyales ng buntis.

Anu-ano nga ba ang mga senyales ng pagbubuntis? Basahin mo ang buong artikulo para masagot ang iyong mga katanungan tungkol sa senyales ng pagbubuntis.

Paano makikita ang mga senyales ng buntis o pagbubuntis?

Maraming mga babae ang hindi agad naiintindihan ang kanilang nararandaman, marami rin ang mga pagbabago sa kanilang katawan. Sa ganitong kalagayan marami ang nagtatanong, buntis nga ba ako?

Narito ang ilang mga senyales ng pagbubuntis:

Ang paglaki ng dibdib ay isa sa pangunahing mga senyales ng pagbubuntis

Paglaki ng dibdib ng isang babae, na higit sa dati nitong sukat. Ang katawan ay mas nagiging sensentibo sa mga hormones kaya naglalabas ito ng labis na tissue sa dibdib. Kapag ang progesterone at hCG ay magsimulang dumaloy sa katawan pagkatapos na maging fertile ang itlog ng isang babae, ay nadagdagan ang dami ng dugo sa suso kaya naninigas ito at bumibigat.

Pananakit ng puson

Isa pa sa senysles ng buntis ay ang pananakit ng puson na katulad ng pananakit kapag ikaw ay may regla. Na- titrigger ang pananakit ng puson dahil sa panahon na ito, ang fertile na itlog ay naitatanim na sa wall ng bahay bata ng isang babae (implantation). Ang matris ng isang babae ay bahagyang nababanat na sa mga panahong ito. Paghahanda na rin ito ng matris sa paglaki nito sa susunod na mga buwan.

Spotting o bahagyang pagdurugo

Maraming mga babae ang nag aakala na ang bahagyang pagdurugo ay tanda ng papalapit na regla. Kung ang pagdurugo ay bahagya lamang at hindi naman tumagal katulad ng karaniwang regla, ito ay senyales na buntis ang isang babae. Halos 25 porsyento ng babaeng nagkakaroon ng spotting o bahagyang pagdurugo ay nagdadalang tao. Kadalasan na nangyayari ang spotting o bahagyang pagdurugo sa panahon ng implantation o pagtatanim ng fretile na itlog sa wall ng bahay bata ng isang babae.

Fatigue o matinding pagkapagod

Ang pakiramdam ng matinding pagkapagod ng isang babae kahit na wala naman siyang ibang ginawa maliban sa mga dati niyang gawain ay maaaring senyales ng pagbubuntis. Sa unang dalawang linggo ng paglilihi, ang sanggol sa iyong sinapupunan ay sinisimulan nang gamitin ang calories sa iyong katawan, dahilan para makaramdam ka ng hindi normal na pagkapagod. Isa pa ito sa senyales ng pabubuntis.

Nipple darkening o pangngitim ng utong

Senyales ng buntis din ang pangingitim ng utong o nipple darkening. Naapektuhan din ng pagbubuntis ang menacytes, ang cells na responsable sa kulay ng utong. Karamihan sa mga babae ay nagkakaroon lamang nito sa panahon ng pagbubuntis. Kadalasan na nangyayari ito sa unang sampung linggo ng pagbubuntis.

Bloated o kabag

Nang dahil sa pagbaba ng progesterone kaya ang pakiramdam na may kabag ay senyales na buntis ang isang babae. Kung ang kabag na nararamdaman ay sa panahon na hindi rin dinatnan ng buwanang dalaw o regla ito ay senyales ng pagbubuntis.

Pagduduwal ay senyales ng pagbubuntis

Ang pagdudwal o morning sickness ay senyales na buntis ang isang babae. Halos 85 na porsyento ng mga babaeng buntis ang nakakaranas nito. Marami sa mga babae na nakakaranas nito ang nalilimitan ang kanilang paggalaw o mga dati nilang mga ginagawa ay hindi nila maggawa sa panahong ito. Sinabi ng ilang mga nakaranas nito na ito ang malalang pakiramdam na senyales ng pagbubuntis.

Madalas na pag ihi

Isa pang senyales ng pagbubuntis ang madalas na pag ihi. Ang kidney ay mas nagtatrabaho sa panahon na ito kailangang ilabas ng mabuti ng fluid sa panahon ng pagbubuntis. Ngunit sa kadalasan kaya nangyayari ito dahil naitinutulak ng matris ang pantog kaya napapadalas ang paglabas ng fluid o ihi.

Malakas kumain

Ang isang buntis nagiging malakas kumain. Ang pakiramdamdam na laging pagod ay humihingi ng panibagong lakas na maidudulot ng pagkain. Ang pagkain na kinain ng isang buntis ay madaling matunaw dahil sa kailangan ng katawan nito ng karandangag lakas para sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

Pananakit ng ulo

Senyales ng buntis din ang panakit ng ulo, sa unang maagang araw ng pagbubuntis ay maramdaman din ang pananakit ng ulo. Ang dahilan nito ay ang pag dami ng blood volume kaya na titrigger nito ang pagsakit ng ulo. Ang mga senyales ng pagbubuntis na ito ay maaring lumipas lamang at makaka-adjust din ang katawan sa pagdami ng hormones level.

Constipation o nahihirapang dumumi

Habang lumalaki ang tiyan ng isang buntis ay bumabagal ang kanyang panunaw hindi katulad ng dati. Ang hormones na reponsable dito ay nagbago na rin dahil sa pagbubuntis. Ang ganitong pakiramdam ay mahirap maiwasan dahil ito ay senyales ng pagbubuntis.

Pabagu-bago ang mood ng isang buntis

Nang dahil sa pagdami ng hCG hormones ay nakakaramdam ng pagod ang isang buntis kaya nagiging moody ang buntis. Karagdagan pa ang pananakit ng ulo, pagduruwal at maraming pang mga hindi kanais nais na pakiramdam ang dahilan kaya siya ay nagiging moody.

Mga dapat tandaan ng isang buntis

Maraming paraan para malaman kung buntis ang isang babae mga senyales ng pagbubuntis na maaring maramdaman ng isang babae.

  • Palaki ng dibib kaysa dati nitong sukat.
  • Pananakit ng puson ng parang may regla.
  • Spoting o bahagyang pagdurugo.
  • Fatigue o pakiramadam na pagod.
  • Nipple darkening o pangingitim ng utong.
  • Pagduruwal
  • Madalas na pag –ihi.
  • Malakas kumain.
  • Pananakit ng ulo.
  • Constipation o nahihirapang dumumi.
  • Pabagu-bago ng mood.

Ang pregnancy test ay isa sa mga maaring gawin upang malaman kung buntis nga ba ang isang babae. Maari din na kumunsulta sa isang obygyne kung nararamdaman ang senyales ng pabubuntis.

Ang senyales na buntis ang isang babae ay pakiramadam na minsan ay hindi maintindihan. Marahil sa kalaunan ay saka pa lamang malaman at mauunawan ito dahil sa mga senyales ng pagbubuntis. Ang magdalantao ay isang kamangha manghang katotohanan ng malaking kapangyahan ng ating Dakilang Maylalang. Ang maging isang ina ay pakidamdam na napakasaya hindi mo maipaliwanag ang napakadakilang pamamahal ng isang ina sa kanyang anak. Marahil ito ay patunay lamang na kung ang isang ina ay nagmamahal sa kanyang mga anak ay higit ay pagmamahal sa atin ng ating Dakilang Maylikha.

KATULAD NA MGA ARTIKULO