Mga Senyales ng Pagbubuntis na Dapat Malaman

Delayed na ba ang pagdating ng regla mo? Kung ikaw ay regular na dinadatnan buwan-buwan at ikaw ay sexually active, malamang, buntis ka nga. Kung ikaw ay hindi pa nagbubuntis sa buong buhay mo, tiyak na kinakabahan ka na kung ano nga ba ang kalagayan mo. Sigurado ring gusto mong malaman kung ano-ano ang mga senyales ng pagbubuntis para makasiguro ka sa iyong kondisyon.

Hindi naman porke ikaw ay lalaki at imposibleng magbuntis ka, ay wala ka nang pakialam sa usaping ito. Kung ikaw ay may kapareha, o kaya nama’y isang ama importanteng malaman mo rin ang mga senyales ng pagbubuntis para sa mga susunod na hakbang, kung sakali mang may pagdudahan kang buntis sa pamilya mo o mga mahal mo sa buhay. Tutulungan ka ng artikulong ito para sa mas mahahalaga pang impormasyon tungkol sa pagbubuntis. Narito ang ilan sa mga madidiskubre mo:

  • Katotohanan tungkol sa pagbubuntis
  • Maagang senyales ng pagbubuntis
  • Mga maaaring maramdamn ng babaeng buntis
  • Mga paraan para malaman kung buntis ang isang babae
  • Mga pagbabago na pwedeng maranasan
  • Senyales ng pagbubuntis kapag malapit na itong manganak

Katotohanan tungkol sa pagbubuntis ng isang babae

Ang isang babae ay nakakaramdam na ng seyales ng pagbubuntis sa unang linggo pa lamang ng kaniyang kondisyon. Subalit, may mga babae namang hindi agad nalalaman na sila ay buntis dahil hindi nila agad nakikita o nararamdaman ang senyales ng pagbubutis. Ang maagang senyales ng pagbubuntis kung minsan, ay katulad lamang ng nararamdaman bago datnan ng regla. Kaya naman may mga babaeng hindi agad nalalaman na buntis na pala sila.

Ang senyales ng pagbubuntis ay hindi pare-pareho. Ang nararamdaman ng isa, ay maaaring hindi maramdaman ng isa pang nagdadalangtao. Kung sa pakiramdam mo ay buntis ka, mas makabubuting magpatingin na kaagad sa doktor o kaya naman ay magpasuri o magpa-test na. Ang pagbubuntis ay maaaring malaman sa pamamagitan ng urine o blood test.

Mga senyalaes ng pagbubuntis

Hindi nga ba’t talaga namang nakakalito? Katulad ng nabanggit na, ang nararamdaman ng isang buntis sa mga unang linggo pa lamang ay halos kapareho lamang ng ngararamdaman ng isang babaeng dadatnan pa pang ng buwanang dalaw. Kaya naman importanteng malaman mo kung ano-ano eksakto ang mga senyales ng pagbubuntis. Narito ang ilan:Hindi dinatnan ng buwanang dalaw – kapag ang babae ay hindi dinatnan ng buwanang dalaw, malaki ang tsansang siya ay buntis.

  • Pagsakit ng puson dahil sa implantation – kapag ang itlog na na-fertilized ay dumikit na sa dingding ng matres anumang oras sa loob ng 6-12 na araw. Ang pagsakit ng puson kung minsan, ay may kasamang kaunting pagdurugo. Kaya naman kung minsan ay napagkakamalan itong regla, ngunit ang dugo nito ay mas hindi msayadong mapula ang kulay kumpara sa regla.
  • Vaginal discharge – kung minsan ay maaaring makaranas ng vaginal discharge ang buntis sa unang linggo nito dahil sa pagkapal ng dingding ng matres. Ang vaginal discharge ay puwdeng maranasan sa buong panahon ng pagbubuntis. Kapag ang discharge ay may masamang amoy at pangangati, maaaring ito ay dahil sa bacteril infection. Sa ganitong sitwasyon makatutulong kung kokonsulta sa isang doktor.
  • Pagbabago sa iyong dibdib o suso – maraming mga babae ang nakakaranas ng pagbabago sa kanilang dibdib o suso sa unang linggo ng kanilang pagbubuntis. Ang mga pagbabagong ito sa dibdib gaya ng lumalambot, sumasakit, bumibigat at maraming pang iba. Ang ganitong pakiramdam ay nawawala naman paglipas ng ilang linggo.
  • Pangingitim ng utong ng suso – ito ay isa pang senyales ng pagbubuntis ay ang pangingitim ng utong ng suso at palibot nito.
  • Pakiramdam ng sobrang pagod – may mga babaeng sa unang linggo ng pagbubuntis ay nakakaramdam ng sobrang pagod. Subalit may mga babaeng buntis namang hindi naman nakakaramdam ng ganito.
  • Pagsusuka o morning sickness – maraming buntis ang nakakaranas ng pagsusuka sa panahon ng 2 linggo o kung minsan ay 18 na linggo. Kung minsan, ang pagsusuka ay hindi lamang sa umaga kundi sa anumang oras sa buong araw. At kung minsan ay nakakaranas pa ang buntis ng panghihina maliban sa pagsusuka.
  • Nagiging maselan ang pang-amoy – ang mga babaeng buntis ay nagiging maselan ang pang-amoy, kapag naka-amoy sila ng hindi nila nagustuhan ay nagiging dahilan ito ng panghihina nila at pagsusuka.
  • Madalas na pag-ihi – isa pang senyales ng pagbubuntis ang madalas na pag-ihi. Nagsisimula ito sa 6 hanggang 8 linggo ng pagbubuntis. Ang dahilan nito ay pagbabago ng hormones (hormonal change). Kapag ang madalas na pag-ihi ay may kasamang sintomas na masakit kapag umiihi, kumonsulta kaagad sa doktor dahil baka mayroong kang infection (UTI)
  • Nahihilo – dahilan sa pagbabago ng hormones naaapektohan ang glucose o blood pressure, kaya nakakaramdam ng panghihilo sa unang linggo o buwan ng pagbubutis
  • Hirap sa pagdumi (constipation) – dahilan sa hormones level kaya nakakaranas ng hirap sa pagdumi ang mga babaeng buntis.
  • Sakit ng ulo – ang dahilan ng sakit ng ulo sa panahon ng pagbubuntis ng isang babae ay ang pagbabago ng hormones
  • Natatakam sa ibang pagkain, ngunit nasusuka naman sa iba – ang ganitong pakiramdam ng isang buntis ay nararamdaman sa mga panahon ng kanilang maagang pagbubuntis. Ito ang panahon ng paglilihi. Sa panahon ding ito nakakaranas ang buntis ng pagsusuka at panghihina
  • Pananakit ng likod – ang ganitong pakiramdam ay maaaring maranasan ng mga buntis sa panahon ng maagang pagdadalantao. Subalit may mga babae namang nararamdaman ito sa buong panahon ng pagbubuntis
  • Pabago-bago ng mood – madalas na nangyayari ang ganitong pakiramdam sa unang trimester ng pagbubuntis dahil din ito sa pagbabago ng hormones
  • Kapos sa paghinga – ang dahilan kung bakit kinakapos sa paghinga ang isang buntis ay ang katawang humihingi ng karagdagang oxygen para masuportahan ang lumalaking fetus sa loob ng tiyan. Ang ganitong kondisyon ay maaaring maramdaman ng buntis hanggang sa panahong malapit na siyang manganak

Mga karagdagang senyales ng pagbubuntis

Narito ang ilang pang senyales ng pagbubuntis:

  1. Pagtaas ng timbang – karamihan sa mga buntis ay nagkakaroon ng karagdagang timbang na umaabot sa 25-35 pounds. Ito ay dahil ito sa paglaki ng fetus, placenta, paglaki ng dibdib at blood at fluid vulium. Maaaring tingnan palagi ng iyong Obstetrician ang iyong timbang sa panahon ng iyong prenatal visits.
  2. Pagbabago sa suso – ang paglaki ng suso sa panahon ng pagbubuntis lalo na kapag malapit nang manganak ay dahil sa colustrom (kulay yellow na gatas na puwedeng lumabas pagkapanganak)
  3. Pamamaga ng sakong at paa – ang pressure sa paglaki ng matres ay maaaring dahan-dahang bumaba sa mga ugat ng binti, na nagiging dahilan ng pagdami ng fluid kaya namamaga ito.
  4. Varicose veins – dahil sa pagdami ng blood volume, nagkakaroon ng varicose veins, almoranas, at pati na rin maliliit na ugat.
  5. Hindi mapigilang pag-ihi – ang madalas na pag-ihi ay karaniwang senyales ng pagbubuntis. Ngunit kapag malaki na ang tiyan o pagbubuntis, kung minsan, ay hindi na mapaigilan ang pag-ihi. Ito ay nangyayari sa panahon ng pagtawa o pag-ubo ng buntis.
  6. Hirap sa paghinga – kapag malaki na ang tiyan o pagbubuntis ay itinukulak ng matres ang diaphragm sa dibdib. Kaya naman ay ito ay nagiging dahilan ng hirap sa paghinga ng buntis.
  7. Heartburn – dahil ito sa pagbabago ng hormones, kaya hindi nakokokontrol ang pagdami ng acid reflux sa tiyan. Ang isa pa ay naitutulak palayo ng lumalaking matres ang stomach (tiyan) sa dati nitong pwesto.

Ngayong nalam mo na, confirmed na ba ang pagbubuntis mo o ng mahal mo sa buhay? Ang makapagko-confirm niyan ay tanging ang urine o blood test, o doktor mo lamang. Ang mga nabanggit ay ang mga senyales ng pagbubuntis kapag malaki na ang tiyan, at kapag malapit nang manganak. Upang maging malusog ang pagbubuntis kailangan ang dobleng pag-iingat at pag-aalaga. Ugaliing palaging magpa-check-up sa iyong doktok tungkol sa iyong pagbubuntis.

KATULAD NA MGA ARTIKULO