Menstruation 

Sintomas ng Menstruation na Dapat Malaman

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kung ikaw ay isang magulang at may anak kang nagdadalaga na, marami kang dapat malaman tungkol sa kaniyang development, lalo na ang pagkakaroon ng buwanang dalaw na mas kilala natin sa tawag na regla o menstruation. Para sa mga ina, maaaring hindi na bago ang pagkakaroon ng regla dahil nagkakaroon o nagkaroon nito noon. Subalit maaari rin namang nakalimutan na ang pakiramdam ng pagkakaroon nito noong unang dalaw pa lamang. Bilang isang ina o ama, mahalagang malaman mo kung ano-ano nga ba ang mga sintomas ng menstruation.

Mga sintomas ng menstruation

Ang menstruation ay, humigit-kumulang, isang beses kada buwan sa panahong reproduktibo ang isang babae, may likidong madugo na lumalabas na nanggagaling sa kanyang matris at dumadaloy sa kaniyang puwerta papalabas ng kaniyang katawan. Ito ay tumatagal ng ilang araw. Gaya ng nabanggit na, ito y tinatawag na regla o buwnang period. Isa itong prosesong nakakabuti sa katawan ng isang babae, at parte ng paghahanda sa posibleng pagbubuntis.

Kung first time mo magkaroon ng buwanang dalaw, o di kaya’y ikaw ay isang magulang na naghahanap ng gabay sa anak na nagdadalaga sa panahon ng pagdating ng regla sa unang pagkakataon, narito ang ilang sintomas ng menstruation na dapat mong malaman:

  • Food cravings: Ito ay ang pagkatakam o paghahangad ng pagkain o kaya nama’y sobrang pagkagana sa pagkain.
  • Swollen breasts: ng mg dibdib ay nananakit o namamaga.
  • Nananakit ang puson at balakang, at posibleng paglala ng mga pananakit nito
  • Pananakit ng ulo at posibleng paglala nito na minsa’y umaabot sa lampas isang araw
  • Pagkaramdam ng sobrang pagod o over fatigue
  • Pagiging moody o madaliang pagkairita

Siklo ng regla buwan-buwan

Iba-iba kada babae ang siklo buwan-buwan. Ito ay nag-uumpisa sa unang araw pa lamang ng menstruation. Ang karamihan sa mga babae ay nireregla kada 28 araw. Subaalit, kasing dalas ng 20 araw o di kaya’y kasing dalang lamang ng 45 araw sa iba. Ngunit alin man sa mga kito ang siklong dinaranas o dadanasin ng isang babae, ang mga nabanggit o ilan sa mga nasabing sintomas ng menstruation ay posibleng maramdaman. Buwan-buwan, nagbabago ang kabuuang takbo ng silko buwan-buwan ng mga hormone na progesterone at estrogen na ginagawa ng obaryo ng isang babae.

Sa unang kalahati ng siklo, karamihan, ang ginagawa ay estrogen. Ito ang nagiging dahilan ng pamumuo ng lining ng dugo na makapal at pagkakahimaymay ng matris. Ginagawa ang naturang lining upang sa pagbubuntis ng isang babae, magkakaroon ng kanlungang malambot para sa malusog na paglaki ng kanyang ipinagbubuntis. Mga dalawang linggo bago matapos ang isan siklo, kapag ang lining na malambot ay handa na, may lumalabas na itlog na nanggagaling sa obaryo. Ito ay tinatawag na ovulation.

Katulad ng nabanggit na, bahagi ng sintomas ng menstruation ang pagskit ng puson o ibabang bahagi ng likod. Ito minsan, ay tinatawag na pamumulikat o paghilab. Ang mga nasabing sintomas ay maaaring maramdaman bago pa man magsimula ang mens o sa pagsisimula ng buwanang dalaw. Mayroong tinanatawag na pre-menstrual syndrome o PMS. Karamihan sa mga kababaihan ay sumasama ang pakiramdam bago dumating ang kanilang regla.

Ang mga nararamdaman ng isang babaeng nakakaranas ng PMS ay halos walang ipinagkaiba sa mga sintomas ng menstruation. Narito ang ilan sa mga posibleng maramdaman sa PMS:

  • Masakit ang mga dibdib
  • Bloated na puson
  • Hirap sa pagdumi o constipation
  • Sobrang pagkapagod
  • Pananakit ng kalamnan lalo na sa ibabang bahagi ng likuran o di kaya, sa puson
  • Paninighiyawat sa mukha
  • Matindi o pagkahirap sa pagkontrol ng damdamin

Karamihan sa mg babae ay nakakaranas kahit isa man lang sa mga palatandaang ito kada buwan. May mangilan-ngilan namang babae ang nakakaramdam ng lahat ng nabanggit. Maaari rin namang iba ang senyales na makikita kada buwan. Maraming mga kababaihan ang hindi komportable sa mga panahong bago sila reglahin.

Paano gamutin ang mga sintomas na nararamdaman

Sa mg naturang sintomas at senyales, may mga bagay na dapat gawin upang malutasan o magamot ang mga ito. Makatutulong kung ididiin ang hinlalaki sa malamang parte ng palad. Maaaring mabawasan ang iba’t-ibang uri ng pananakit kung didiinan ng mariing-mariin ang malambot na bahagi ng pagitan ng hintuturo at hinlalaki.

Makakabuti sa pakiramdam ang paghimas ng puson. Ito ay nakakatulong sa pagpapakalma sa namimilipit na laman-lamn ng katawan. Isa pang panggamot sa sintomas ng menstruation ang pagpuno botelyang plastik ng tubig na mainit at paglapat nito sa puson o sa may ibabng bahagi ng likuran. Maaari rin itong gawin gamit ang makapal na telang ibinababad sa tubig na mainit.

Ilan pa sa mga dapat gawin ang mga sumusunod:

  • Pag-inom ng tsaa na gawa sa luya o kaya naman iba pang tsaa na nakakagamot sa ganitong sakit
  • Ipagpatuloy lang ang mga gawain at huwag intindihin masyado ang sakit
  • Pag-e-ehersisyo o paglalakad
  • Uminom ng gamot gaya ng ibuprofen kapag masakit ang pagreregla
  • Para sa sobrang lakas na regla na walang mabisang lunas, makakatulong kung iinom ng kontraseptibong pildoras na may mababang dosage sa loob ng kalahati hanggang isang taon.

Para sa PMS, ang bawat isang babae ay may iba-ibang pagtalab na nararamdaman para mabawasan ang sakit. Para mas malaman ang pinakamabisa, minam na subukan ang magkakaibang bagay. Mas mabuti ring sundin muna kung ano ang mga payo upang maibsan ang masakit na pagme-mens. Inirerekomenda ng mga kababaihang physically active ang paglalaron ng basketball dahil maaari itong makatulong sa mga senyales ng PMS.

Ilan pa sa mga ideyang makapagpapagaling ng PMS ang mga sumusunod:

  • Magbawas sa pagkain ng maaalat na pagkain. Nakapag-iimbak ng karagdagang tubing ang katawan dulot ng asin na nakapagpapasama pa sa nararamdmang pagkapuno o bloat ng puson.
  • Subukang iwasan ang caffeine kape man yan, cola o tsaa.
  • Sikaping kumain ng whole grains gaya ng karene, mani, gatas, sariwang isda, o ano mang pagkaing naglalaman ng mataas na protina. Kapag ng mga ganitong pagkain ay ginamit nan g katawan, nailalabas din ang mga sobrang tubig sa katawan kaya naman nababawasan din ang pagkakaroon ng pakiramdam na bloated na puson.
  • Subukang uminom ng halamang gamot. Ito ay mabisa rin at ligtas dahil walang halong kemikal. Maaaring magtanong sa mga nakatatandang babae sa inyong komunidad kung ano pa nga ba ang ibang matatalab na natural na gamot para sa sintomas ng menstruation at PMS.

KATULAD NA MGA ARTIKULO


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •