Alamin ang Sintomas ng Pagbubuntis

Delayed ba ang regla mo? Kung sexually active ka, malamang, buntis ka. Kung hindi ka pa nagtse-tsek gamit ang pregnancy kit pero curious ka nang malaman kung totoo ngang buntis ka, makakatulong kung ala mo ang mga sintomas ng pagbubuntis. Ayon sa mga medical experts at mga babeng nagbuntis na, ang pakiramdam ng pagdadalantao sa unang stages ng kondisyon at pagkakaroon ng regla ay halos pareho lang. Nariyan ang panakit ng puson, ‘feeling bloated’, at pagki-crave o pananakam sa piling mga pagkaing hindi naman madalas kainin gaya ng maasim at maaalat na pagkain.

Ang mga sintomas sa pagbubuntis na nararamdaman ng isang babae ay nag-iiba-iba. Nag-iiba rin ang mga ito sa panahon ng kanilang pagdadalantao. Mula sa unang 2 linggo, hanggang sa panganganak, iba’t-ibang sintomas ang mararanasan. Halimbawa na lamang sa tinatawag nating first stage ng pagbubuntis—ang unang 2 linggo na nasasakupan din ng first trimester. Hindi man lahat ng mga sintomas na mararamdaman mo bilang buntis ay nararanasan din nang iba. Pero may mga pangkaraniwang sintomas din namang sa ayaw at sa gusto mo, ay mangyayari sa iyo.

Mga sintomas ng pagbubuntis na dapat bantayan

Kung first time mo magbuntis, malamang, may mixed emotions ka sa iyong pagbubuntis. Excited ka na, pero, at the same time, ninenerbiyos sa mga posible mong maranasan sa siyam na buwang pagdadalantao. Gaya ng nabanggit, may mga karaniwang sintomas ng pagbubuntis na hindi mo puwedeng hind maiwasang maranasan. Narito ang ilan:

  • Pamamaga ng suso. Ang pagkirot at pamamaga ng suso ang pinaka-unang mararamdaman mo bilang buntis. Sa unang linggo pa lamang, mapapansin mong lalaki na at magbabago ang hugis ng iyong suso. Ito ay biang paghahanda para sa paggawa ng gatas. Nang dahil sa ganitong pagbabago, mas magiging sensitibo ang iyong dibdib ng ilang buwan. Bagama’t pangunahing sintomas ng pagbubuntis, may mga pag-aaral na nakapagpatunay na hindi lahat ng buntis ay nakakaranas nito lalo na kung sila ay minsan nang gumamit ng contraceptive.
  • Panginitim ng palibot at mismo ng utong. Para sa ilang mga buntis, ang hormones na nagko-control sa kanilang pagbubuntis ang nagiging sanhi ng pag-itim ng kanilang mga utong. It rin ang nagiging sanhi ng paglapad ng kanilang areola, at pag-hugis bilog ng palibot ng utong. Ito ay para sa maihanda ang mga suso para sa paglabas ng gatas sa panahon ng pagpapasuso.
  • Spotting o pagdurugo. Ilan sa mga kababaihan ang dumaranas ng spotting o pagpatak ng kunting dugo sa suot na underwear sa unang 2 linggo pa lamang ng kanilang paglilihi o pagdadalantao. Nangyayari ito kapag ang embryong namuo na dulot ng fertilization ay napadikit sa bahay-bata. Kaya obserbahan at bantayan, kung kaunti lang ang reglang lumalabas sa buwanang dalaw, baka ito ay spotting na pala at kinakailangan nang mag-pregnancy test.
  • Madalas ang pag-ihi at hirap sa pagdumi. Kapag ikaw ay buntis, maiipit ang iyong pantog ng matris at ito ang nagiging dahilan kung bakit madalas ang pag-ihi. Ang pressure na nagdudulot ng paglaki ng iyong matris ay an siya namang nagiging sanhi ng pagiging hirap sa agdumi. Ang sintomas ng pabubuntis na ito ay mas mararamdaman pa kapag lumalaki na ang bata sa sinapupunan.
  • Pagkahapo. Kadalasan, ang mga buntis ay nakakaranas ng atinding pagkapagod sa unang yugto pa lamang ng kanilang pagdadalantao. Subalit ang ganito namang pakiramdam ay nawawala rin makalipas ang ika-12 linggo, sa oras na ang inunan ng sanggol ay buo na.

Ang iba pang mga maaaring maramdaman ay pagkahilo, bilang pangunahing sintomas ng buntis; pagbilis ng tibok ng puso upang magbigay-daan sa bata sa sinapupunan; sumeselang pang-amoy, bilang isang normal na sintomas; mataas o mainit na temperatura ng katawan; hindi pagdating ng buwanang regla bilang pinaka-accurate na basehan na buntis nga ang isang babae; at sobra at madalas na pagkain at pag-asam dito bilang tugon sa kailangan ng isang buntis na kumarga ng 300 calories kada araw.

Kung ang mga sintomas ng pagbubuntis na nabanggit ay wala pa rin sa mga nararanasan mo, huwag munang ma-disappoint kung umaasa kang buntis ka. Marami pang ibang mga sintomas na maaari kang maramdaman. Kung madalas na sumasakit ang ulo mo at mas malala pa ang migraine mo kung mayroon ka man nito, isa rin itong senyalesna buntis ka.

Mga pag-iingat na dapat gawin

Kung ikaw ay buntis, importanteng alam mo ang mga dapat gawin para maingatan ang kalagayan mo. Sa oras na maramdaman mo ang mga sintomas ng pagbubuntis, confirmed man o hindi, dapat mag-ingat. Kailangang aprubado ng doktor mo ang lahat ng mga kakainin at iinuming mo. Mayroon kasing mga pagkain gaya ng sushi, mga karneng nakaimbak na nang matagal sa refrigerator o freezer, o malambot na keso na puwedeng maging sanhi ng mga problema sa immune system. Ang iba pang mga hindi dapat kainin ay yung mga maaaring may sangkap na kemikal na posibleng makaapekto ng hindi maganda sa development ng utak ng sanggol.

May mga bagay kang dapat iwasan kung ikaw ay buntis, o sa oras maramdaman mo ang mga sintomas ng pagbubuntis. Narito ang ilan:

  • Huwag munang kumain ng hilaw na karne at isda. Lutuin nang mabuti ang karne ng hanggang sa 145 degrees bago kainin.
  • Iwasan ang mga ibang klase ng isda at huwag ding kakain ng isda na maaaring contaminated ng mercury katulad na lamang ng tangigue, mackerel, pating, at iba pa. Magkaroon ng limitasyon sa pagkain ng mga iba pang uri ng isda, maging ng lamang-dagat sa 12 oz kada linggo.
  • Huwag kakain ng junkfoods at iwasan din ang pagkain sa mga fastfoods. Tandaang habang ang sanggol sa sinapupunan ay lumalaki na, unti-unting nababawasan ang laki ng tiyan ng isang buntis. Dapat ding tandaang ang pagkain ng maraing junkfoods ay nagiging sanhi ng kawalan ng gana sa mga masusustansiyang pagkain na dapat na kinakain para sa kalusugan ni baby.
  • Iwasan ang pag-inom ng sobrang dami ng food supplements o vitmamins. Kung masosobrahan ka sa pag-inom ng mga ito, maaari itong makaapekto sa paglaki ng baby sa sinapupunan. Importanteng sundin lamang ang ireresetang vitamins ng doktor at ang dalas ng pag-inom nito.

Ang pagkakaroon ng mga kaalaman sa sintomas ng pagbubuntis ay makatutulong ng malaki sa iyo para makapag-ingat kung ikaw ay confirmed na buntis. Sa oras na kompirmado na ang iyong kondisyon, agad nang makipag-usap sa iyong doktor para sa mga angkop na bitamina at gamot para makasiguro sa ligtas na development ni baby.

KATULAD NA MGA ARTIKULO