Mga Gamot sa Dysmenorrhea na Ligtas at Mabisa

Kung ikaw ay isang babe, siguradong interesado ka sa mababasa mo rito lalo na kung ikaw ay dinaratnan pa ng iyong buwanang dalaw o regla. Kung hindi man at may anak kang babae na malapit nang reglahin o nireregla na, makatutulong pa rin ang artikulong ito sa iyo. Bakit? Kasi, majority ng kababaihang nireregla ay nagdi-dysmenorrhea. Ibig sibaihin, may mga pagsakit at pagsama ng pakiramdam habang sila ay nireregla. Tuturuan ka ng artikulong ito ng mga tamang gamot sa dysmenorrhea. Lalaki ka man o babae, nireregla o hindi, mas mainam kung mabasa mo ito.

Malaki ang maitutulong mo kung ise-share mo ang mga kalamang matututunan mo rito sa mga taong may dysmenorrhea. Narito ang ilan sa mga mahahalagang impormasyong magbibigay-kaalaman sa iyo:

  • Mga uri ng dysmenorrhea
  • Primary dysmenorrhea
  • Secondary dysmenorrhea
  • Mga dahilan ng dysmenorrhea
  • Mga sintomas at komplekasyon nito
  • Ibat-ibang gamot sa dysmenorrhea

Mga katotohanan tungkol sa dysmenorrhea

Ang dysmenorrhea ay maituturing na isang mahirap na sitwasyon sa panahon ng iyong regla. Kung minsan ay normal lamang sa ibang babae na makaramdam ng sakit sa panahon ng kanilang una hanggang sa pangalawang araw ng regla. Ngunit may mga babae talagang sadyang nahihirapan sa panahon ng kanilang regla, ito ang tinatawag na dsymenorrhea.

Oo nga’t alam natin ang salitang dysmenorrhea. Ngunit alam mo bang may dalawang uri nito? Matutuklasa mo rito kung ano-ano ang mga ito upang malaman mo ang sanhi at sintomas. Malalaman mo rin dito ang posibleng gamot sa dysmenorrhea. Bago ang lahat, narito muna ang alawang uri ng dysmenorrhea:

Primary dysmenorrhea

Ang primary dysmenorrhea ay nararanasan ng halos 50% na mga kabataang babae na wala pang 20 taong gulang. Ang sakit na maaaring maramdam nila ay pangkariwan at lumilipas lamang pagdating ng panahong makapanganak na ang babae. Ang ganitong kondisyon ay hindi dapat ipag-alala, dahil wala naman itong puwedeng idulot na panganib.

Secondary dysmenorrhea

Ang dysmenorrhea na ito ay may malubhang pananakit nang dahil sa gynecologic disorder. Ang ganitong uri ng sakit, kung minsan ay nadadala kahit sa simpleng gamutan lang. Subalit mayroon din namang nangangilangan na ng operasyon. Ang kadalasang nakakaranas nito ay ang mga babaeng may edad na.

Mga sanhi ng dysmenorrhea

Ang sanhi ng primary dysmenorrhea ay ang pagdami ng level ng hormones na prostaglandin. Nangyayari ito sa panahon ng pagregla at panganganak. Kapag ang lining (endometrium) ay lumabas sa pamamagitan ng pagregla, maaaring makaramdam ng sakit. Sa ganitong kalagayan, ang matres ay may kaunti lamang na inilalabas na dugo o hindi maayos ang agos ng dugo.

Ang iba pang dahilan ng primary dysmenorrhea na mas malala ang sintomas na nararamdaman ay ang pagkakaroon ng nakabaliktad ang matres. Ang iba naman ay kung minsan ay sa mahabang panahon ng pagregla, malakas na agos ng dugo tuwing nireregla, hindi regular ang pagregla, walang exercise, sobra sa timbang o mataba, o, ang kapamilya ay mayroon ding dysmenorrhea, at mga babaeng nag-umpisa ng regla sa edad 12.

Samantala, ang sanhi ng secondary dysmenorrhea ay ang mga sumusunod:

  • Fibroids – ito ay isang benign tumor na maaaring tumubo sa dingding ng matres
  • Adenomyosis – ang tissue sa matres na tinatawag na endometrium ay lumaki sa loob ng muscular wall
  • STI o sexually transmitted infection
  • Endometriosis – kapag nasira ang endometrial lining na matatagpuan sa buto ng baywang o balakang
  • PID o pelvic inflammatory disease – dahilan ito sa pagka-impeksyon ng fallopian tube at puwedeng maapektuhan ang matres at ang kuwelyo ng matres
  • Cyst o tumor sa obaryo
  • Paggamit ng birth control na intrauterine device o IUD

Ngayon, matutukoy mo na ba kung anong klase ng dysmenorrhea mayroon ka o ang mahal mo sa buhay? Ngayon naman alamin ang sintomas at mga komplikasyon ng karamdamang nito, bago pa man alamin ang gamot sa dysmenorrhea.

Mga sintomas at komplekasyon ng dysmenorrhea

Ang talagang sintomas ng dysmenorrhea ay sakit ng pakiramdam, partikular na ng sakit ng puson at balakang. Ito ay karaniwang sintomas ng dysmenorrhea. Kung minsan naman ay may kasamang panghihina, pagsusuka, pagtatae, sakit ng ulo at pakiramdam na pagod.

Karamihan sa mga babae ay nararamdaman ito bago pa datnan ng regla, at sa loob ng 24 na oras ng pagdurugo, hanggang sa pangalawa at pangatlong araw ng regla. Ang paglabas ng bloody tissue galing sa lining ng matres ay nagiging sanhi ng pagsakit ng puson. Ilan pa sa mga snitomas ng dysmenorrhea ay pananakit ng balakang, kabag at sakit ng tiyan. Samantala, ang mga sintomas na maaaring maramdaman ng mga babaeng mayroong primary dysmenorrhea ay puwedeng mawala sa paglipas ng panahon.

Sinasabi na 5-15 % ng mga babaeng may primary dysmenorrhea, ay apektado ng kanilang mga pang-araw-araw na gawain sa eskwela, trabaho, o maging sa bahay. Subalit sa karamihan naman, ay hindi masyadong apektado nito. Matapos matuklasan ang mga sintomas at komplikasyon ng dysmenorrhea, alamin naman ang mga mabisang gamot sa dysmenorrhea na maaaring subukan.

Gamot sa dysmenorrhea

Sabin ng mga matatanda, bawal daw uminom ng gamot kapag may dysmenorrhea. Naniniwala ka ba rito? Sabi nila, ang pag-inom dawn gamot para sa sakit ng puson tuwing may regla ay maaaring makaapekto sa matres ng isang babae. Ngunit, may mga medical expert namang nag-rerekomenda ng mga gamot sa dysmenorrhea na ligtas gamitin. Narito ang ilang ilan:

  • Acetaminophen at Paracetamol – ito ay makatutulong para mawala ng pananakit ng ulo at balakang na dulot ng dysmenorrhea. Gamot din ito sa ibang sakit gaya ng lagnat at sipon.
  • Aspirin – ito ay may analgesic at antipyretic na tumutulong upang mawala ang sakit at pamamaga. Maliban sa gamot sa dysmenorrhea, marami pa itong nagagamot na ibang sakit
  • Aspirin at Oxycodone – bahagyang tinatanggal niyo snh malalang sakit gaya ng mga sintomas ng dysmenorrhea
  • Camylofin – ito ay ginagamit na gamot sa mga mayroong migraine at pancreatitis. Isa rin itong mabisang gamot sa dysmenorrhea o sa mga sakit dulot ng mga sintomas nito.
  • Celecoxib – isa itong gamot sa pamamaga na walang steroid. Ito ay isang uri ng anti-inflammatory na gamot, maliban sa napakaraming uri ng sakit na nagagamot nito. Ito ay isa ring mabisang gamot sa dysmenorrhea.
  • Dexibuprofen – isa rin itong anti-inflammatory na gamot na walang steroid. Ito ay gamot sa dysmenorrhea, sakit ng ngipin at iba pa.
  • Diclofenac – isa rin itong mabisang gamot sa dysmenorrhea dahil ito ay anti-inflammatory. Marami rin itong nagagamot na iba pang sakit.
  • Flurbiprofen – maliban sa mabisa itong gamot sa dysmenorrhea, marami pa itong ibang sakit na nagagamot.
  • Estropipate – isa itong uri ng gamot na crystalline na galing sa estrogen. Madalas na ibinibigay ito sa mga babae na labis ang pagdugo at matinding sakit. Kadalasan na nakakaranas nito ang mga babae na malapit nang mag-menopause.
  • Ibuprofen – tumutulong ito upang mabawasan ang hormones at pamamaga sa katawan dahil sa dysmenorrhea.
  • Meclofenamate – isa rin itong gamot sa dysmenorrhea at sa mga sintomas na nararamdaman dahil dito.
  • Mefenamic acid – hindi lamang ito mabisang gamot sa dysmenorrhea, kundi sa iba pang mga sakit.
  • Naproxen – katulad ng mga nabanggit natin na mga gamot, ito rin ay isang uri ng gamot sa dysmenorrhea at iba pang sakit

Napakaraming pagpipilian pagdating sa gamot sa dysmenorrhea. Alam mo na rin ngayon kung saang uri ng ng dysmenorrhea mo dapat inumin ang mga gamot na ito. Pero siyempre, pinakamabuting gawin ay magpatingin sa doktor lalo na kung kakaiba na ang sakit na nararamdaman. Mas alam ng doktor kung ano ang tamang gamot sa dysmenorrhea na angkop sa nararamdaman mo. Ag higit sa lahat, alagaan ang katawan at kalusugan para makaiwas sa anumang uri ng sakit.

KATULAD NA MGA ARTIKULO