Pagbubuntis 

Bawal Ba Makipagsex ang Buntis: Baka Masorpresa Ka sa Sagot!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Misis! Kinukulit at kinakalabit ka ba sa kama ni Mister para makipagtalik kahit ikaw ay buntis? Sigurado namang gusto mo siyang pagbigyan. Kaya lang, nag-aaala ka rin marahil sa kaligtasan ng nasa sinapupunan mo. Importanteng malaman mo kung bawal ba makipagsex ang buntis. Kung hindi, ano ang mga pag-iingat na dapat mong gawin?

Ayon sa mga eksperto, safe o ligtas naman makipag-sex habang buntis ang babae. Dapat lang ay sigurado kang normal o walang problema ang iyong pagbubuntis. Kung hindi ka nakakaranas ng spotting habang ikaw ay nagdadalantao, okay lang pagbigyan si Mister. Kung first time mong magbuntis at nag-aalangan kang pagbigyan ang kapareha mo, worry no more. Siguradong hindi naman nakapagpapalaglag o nakapagpapaagas ng baby sa tiyan mo ang pakikipag-sex. Basta healthy ka.

Mga pag-iingat na dapat gawin ng buntis kapag nakikipagtalik

Base sa pag-aaral, normal na sa isang buntis na nanaising makipag-sex lalo na sa 2nd trimester ng kaniyang pagbubuntis. Kaugnay nito, sabi ng mga doktor, na normal na bahagi ng pagbubuntis ang pagniniig. Kaya naman sa tanong na, bawal ba makipag-sex ang buntis, ang sagot dito ay ‘hindi.’ Wala ring katotohanan ang maling connotation na nasasaktan ang sanggol sa loob ng tiyan sa tuwing nakikipagtalik ang kaniyang ina.

Gaya ng nabanggit na, basta’t normal ang pagbubuntis, o healthy ang buntis, hindi bawal ang pakikipag-sex. Ngunit kung maselan ang kundisyon, mas mainam na huwag munang makipagtalik sa asawa o ka-partner. Maituturing ang ganitong klase ng pagdadalantao na ‘high risk.’ Maaaring maging sanhi ng miscarriage ang pakikipag-sex ng isang buntis na at high risk.

Kung ikaw ay nagdadalantao at alam mong healthy ang iyong pagbuntis, alam mo na rin marahil kung talagang bawal ba makipag-sex ang buntis. Narito ang tatlo dapat mong gawin para sa pag-iingat habang nakikipagtalik sa kapareha:

  1. Mas maigi pa rin kung gagamit ng proteksiyon para maiwasan ang kahit anong sexually-transmitted infection o STI.
  2. Sa posisyon ng pakikipagtalik ng buntis, inirerekomenda ng doktor na siya ay hindi nakahiga o hindi nakalapat ang kaniyang likod.
  3. Dahan-dahan lamang ang pakikipagtalik dahil nga ikaw ay buntis. Siguraduhing nasa komportable kang posisyon.

Bawal ba makipagsex ang buntis sa lahat ng oras?

Kung healthy rin lang ang pagbubuntis, okay lang makipagsex ang buntis sa oras na gusto niya. Kaya lang, maghinay-hinay sa pakikipagtalik nang hindi malagay sa peligro ang sanggol. Kung nag-aalinlangan pa rin at gusto talagang malaman kung bawal ba makipagsex ang buntis, baka makatulong ang impormasyong nakalap para sa artikuong ito.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa sa Kuala Lumpur, mas mapapadali pang manganak ang isang buntis kapag siya ay nakikipagtalik sa kaniyang kapareha. Ito ay mas epektibo pa kung ang pagtatalik ay nangyari sa huling araw bago ang panganganak. Sa nasabing pag-aaral, lumabas na majority ng mga nakikipag-sex sa mga huling araw o linggo ng kanilang pagbubuntis, ay mas napapaaga pa ang pagle-labor. Hindi rin sila nahihirapang manganak kapag on the 38th to 40th week ng kanilang pagbubuntis, ay nakipag-sex pa rin sila sa ka-partner.

Naipaliwanag na ng mga dalubhasang nanaliksik tungkol sa usapaing ito na safe makipag-sex ang buntis. Maging ang mga magkaparehang nagtatalik habang buntis ang babae, nakakatulong ito. Anila, ang sexual intercourse ay may positibong epekto sa paghahanda para sa pagle-labor bago manganak. Kailangan lamang ng ibayong pag-iingat upang maiwasan ang kapahamakan sa buntis at lalo na sa kaniyang sanggol.

KATULAD NA MGA ARTIKULO


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •